Cards (24)

  • Pananaliksik sa Filipinolohiya
    • Naglalayong maglathala ng mga pananaliksik, artikulo, kritikal na sanaysay ukol sa wikang Filipino, mga wika sa Pilipinas, panitikan, kultura, pananaliksik sa pagsasalin at mga pag-aaral na kasalukuyang tumutugon sa tunguhin ng mapagpalaya at makabayang karunungan na maaaring maiugnay sa agham panlipunan, midya, edukasyon, komunikasyon, sining at agham para sa kalinangang pambansa at koneksyon sa karunungang pandaigdig.
  • Filipinolohiya – Pagpapataas ng kamalayan sa wikang Filipino at pagkilala sa sariling bayan.
  • Industriya – Pumupuno sa konseptong tinatawag na pambansang kaunlaran.
  • Pambansang Kaunlaran – mahalaga sa Filipinolohiya dahil sa Filipinolohiya tinatalakay ay kung ano ang mayroon mismo doon sa bansa na kinabibilangan
  • Good (1963)
    • Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
  • Aquino (1974)
    • Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
  • Manuel at Medel (1976)
    • Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.
  • Parel (1966)
    • Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
  • E. Trece at J.W. Trece (1973)
    • Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
  • Calderon at Gonzales (1993)
    • Formulated in more comprehensive form, research may be defined as a purposive, systematic, and scientific process of gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting, and interpreting data for the solution of a problem, for prediction, for invention, for the discovery of truth, or for the expansion or verification of existing knowledge, all for the preservation and improvement of the quality of human life.
    • Sa kabuuan, ang pananaliksik ay ang pagkuha ng kasagutan sa suliranin. Ang isang pananaliksik ay dapat ding tumugon sa SMART. Ito ang mga katangiang hinihingi kapag gumagawa ng isang pananaliksik.
    SMART
    • Specific (Tiyak) – Tiyakin kung alin o ano ang bibigyang tuon.
    • Measurable – Kayang sukatin o gawin.
    • Attainable – Kapanipaniwala at kayang-kayang gawin.
    • Relevant
    • Timely/Time-bound – May target na panahon upang makuha ang resulta.
  • Layunin
    • Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila Good at Scates (1972), “The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.”
  • Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtalâ ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
    • Bagong kaalaman
    • Sagutin ang mga suliraning hindi pa nasasagot
    • Mapagbuti ng mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
    • Matuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
    • Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
    • Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
    • Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.
  • Ang Pananaliksik ay Sistematik
    • May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
  • Ang Pananaliksik ay Kontrolado
    • Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura sa pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik.
  • Baryabol – Mahahalagang salita na makikita sa thesis at kung ito ba ay makakapekto sa resulta ng pananaliksik. Kapag sinabing kailangan ay constant, dapat simula hanggang dulo iyon ang pinatutunguhan ng pananaliksik.
  • Ang Pananaliksik ay Mapunuri
    • Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalasan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalidate nang pamamaraang pang-estadistika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
  • Ang Pananaliksik ay Empirikal
    • Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon.
  • Ang Pananaliksik ay Gumagamit ng mga Kwatiteytib o Istatistikal na Metodo
    • Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri ang kanilang pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
  • Ang Pananaliksik ay Isang Orihinal na Akda
    • Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas, o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand.
  • Ang Pananaliksik ay Matiyaga at Hindi Minamadali
    • Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minamadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.
  • Ang Pananaliksik ay Pinagsisikapan
    • Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino, at sipag upang maging matagumpay.
  • Ang Pananaliksik ay Nangangailangan ng Tapang
    • Kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding dumanas siya ng di-pagsang-ayon ng publiko at lipunan. Maaari ring magkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik.
  • Ang Pananaliksik ay Maingat na Pagtatala at Pag-uulat
    • Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pagsulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik (halimbawa: pamanahong-papel, tesis, at disertasyon) para sa angkop o ang tinatawag na oral presentation o defense.