DULANG PANTANGHALAN

Cards (30)

  • Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining panggaya o pagiimita sa kalikasan ng buhay.
  • Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining panggaya o pagiimita sa kalikasan ng buhay.
  • Dula - Ipinapakita nito ang realidad ng buhay ng tao gayundin ang kaniyang mga iniisip, kinikilos, at isinasaad.
  • Mga uri ng dula ayon sa anyo:
    • Komedya
    • Trahedya
    • Melodrama
    • Tragikomedya
    • Saynete
    • Parse
    • Parodiya
    • Proberbyo
  • Komedya - Katawa-tawa, magaang ang mga paksa o tema at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay.
  • Trahedya - Ang tema o paksa ay mabigat o nakakasama ng loob, nakakaiya, nakakalunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa hindi mabubuting sitwasyon, mabibigat na suliranin, at karaniwang nag wawakas ng malungkot
  • Melodrama - Ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang problema at kaawa-awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw.
  • Melodrama - Karaniwang mapapanood sa mga de-seryeng palabas.
  • Tragikomedya - Sa anyo ito ng dula ay magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may tauhan na katawa-tawa tulad ng payaso.
  • Saynete - Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon ng pananakop ng mga espanyol sa pilipinas.
  • Saynete - Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian lahi o katutubo, sa kaniyang pamumuhay, pangibig, at pakikipagkapwa.
  • La India Elegante Negrito Amante - Isang nakakaaliw na libangang saynete noong panahon ng espanyol.
  • La India Elegante Negrito Amante - Saynete na ginawa ni Francisco Baltazar
  • Parse - Dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento
  • Parse - Ang mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan at magbitiw ng kabalbalan.
  • Parse - Karaniwang napapanood sa mga comedy bar.
  • Parodiya - Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at paguugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya pambabatikos na katawatawa ngunit may tama sa damdamin at pagkatao ng kinauukulan.
  • Proberbyo - Ito ay isang dulang may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain.
  • Mga bahagi ng dulang pantanghalan:
    • Simula
    • Gitna
    • Wakas
  • Simula - Sa bahaging ito matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento.
  • Dalawang mahalagang sangkap o elemento ng dula:
    • Bida
    • Kontrabida
  • Simula - Ipakikilala din ang tagpuan o pinangyarihan ng mga eksena, panahon, oras, at ang lugar.
  • Gitna - Makikita ang banghay sa bahaging ito.
  • Banghay - Maayos na daloy ng pangyayari sa kwento.
  • Gitna - Dito din nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng dula.
  • Diyalogo - Pinakamahalagang bahagi ng dula.
  • Wakas - Matatagpuan ang kakalasan at ang wakas ng dula.
  • Kakalasan - dito ay unting unti bababa ang takbo ng storya
  • Wakas - Dito makikita ang kamalian o kawastuan o pagkalag sa mga bahaging dapat kalagin.
  • Wakas - Dito mababatid ang solusyon na maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.