Idyoma - Pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan
Idyoma - Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid.
Sa pamamagitan ng Idyoma, nakikilala natin ang ating sariling wika.
Ano ang ibig sabihin ng nagbibilang ng poste?
Walang trabaho
Ano ang ibig sabihin ng Kahiramang Suklay?
Matalik na magkaibigan
Ano ang ibig sabihin ng Nagsusunod ng kilay?
Nag-aaral nang mabuti
Ano ang ibig sabihin ng anak-dalita?
Mahirap
Ano ang ibig sabihin ng Ilaw ng tahanan?
Ina
Ano ang ibig sabihin ng Alog na ang baba?
Matanda na
Ano ang ibig sabihin ng Pusong bakal?
Di marunong magpatawad
Ano ang ibig sabihin ng Butas ang bulsa?
Walangpera
Ano ang ibig sabihin ng Ikurus sa kamay?
Tandaan
Ano ang ibig sabihin ng Bahag ang buntot?
Duwag
Ano ang ibig sabihin ng Balat sibuyas?
Madaling masaktan
Ano ang ibig sabihin ng bukas ang palad?
Matulungin
Larawang Diwa - Ito ay tinatawag na imagery sa ingles.
Larawang Diwa - Ito ay salitang binabanggit sa mga tulang nagiiwan ng malinaw at tiyak larawan sa isipan ng mambabasa.
Simbolismo - Ito ay symbolism sa ingles
Simbolismo - Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula.
Kariktan - Pilimpili ang mga salita, kataga, parirala, imahen, o larawang diwa, tayutay, o talinhaga at mensaheng taglay na siyang lalong nagpapatingkad sa katangian ng tula at pumupukaw sa mayamang imahinasiyon ng mambabasa.
Matalinhagang pananalita - Mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugang taglay at sa halip ay may naka kubling mas malalim na kahulugan.
Matalinhagang Pananalita - Ito ay karaniwang ginagamit sa panitikan lalong lalo na sa panulaan.
Iba't ibang uri ng matatalinhagang pananalita:
Idyoma
Tayutay
Idyoma - Mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, mga pangyayari sa buhay at sa paligid subalit nababalutan ng higit na malalim na kahulugan.
Tayutay - Matatalinhagang pagpapahayag kung saan sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit na mapaganda o mabigyang halina ang sinusulat o sinasabi.