Katangian ng Matalinong Mamimili / Konsyumer

Cards (8)

  • konsyumer
    • mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo 
    • sa kanila nakabatay ang produktong gagawin ng prodyuser
    • dahilan ng paggawa ng mga dekalidad na produkto
  • mapanuri
    • sinusuri ang produktong bibilhin
    • tinitignan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, atbp
  • marunong maghanap ng alternatibo
    • ang matalinong pamimili ay marunong humanap ng pamalit na kalakal na makatutugon din sa pangangailangan tinutugunan ng produltong dating binibili
  • hindi nagpapadaya
    • laging maging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan 
  • makatwiran
    • isinasaalang-alang niya ang presyo at kalidad sa pagpili ng isangp rodukto
    • isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito
  • sumusunod sa badyet
    • tinitimbang ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet
    • hindi nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo
  • hindi nagpapadala sa anunsiyo
    • ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer
  • hindi nagpapanic-buying
    - ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buying ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon