Makatutulong ito upang malaman ang digri o antas ng emosyon sa isang sitwasyon.
Makatutulong ito upang lubos na maunawaan ang mga akdang pampanitikan tulad ng pabula.
Magkakahawig man ang kahulugan ng mga salita o halos magkakasin-kahulugan ay hindi pa rin masasabing pareho lang ang mga ito sapagkat may mga pagkakataong hindi magkatulad ang gamit nito sa isang pahaya o pangungusap dahil na rin sa tinatawag na klino.
PAGKIKLINO O “CLINING”
Ito ay ang tindi o antas ng kahulugang ipinahahayag.
Dahil dito, maaring maiba ang nais o marapat na ipakahulugan sa iba’t ibang sitwasyon o pagpapahayag.