Mahalagang isaisip na sa ating paglalahad ng damdamin ay may mga paraan kung paano ito ipapahayag batay sa konteksto ng usapan - kung sino ang ating kausap, ang lugar kung saan nagaganap ang usapan, at ang layunin kung bakit natin nais ilahad ang ating damdamin nang sa gayon, makapili tayo ng angkop na paraan upang maipahayag ang ating damdamin at makaiwas sa hindi pagkakaunawaan.