Sitwasyong Pangwika sa Panahon ng Modernisasyon

Cards (23)

  • Ano ang ibig sabihin ng modernisasyon?
    Ang modernisasyon ay tumutukoy sa isang modelo ng progresibong paglipat mula sa pre-moderno o tradisyonal sa isang modernong lipunan.
  • Ano ang kalagayan ng ating wika sa iba't ibang sitwasyon?
    Nananatili ang pagkapuro ng ating wika, ngunit ang dating wika ay napapalitan ng iilang salita.
  • Ano ang epekto ng komunikasyon sa ating wika?
    Ang komunikasyon ang pangunahing salik upang mapaunlad ang ating wika.
  • Ano ang kahulugan ng "trending" sa konteksto ng social media?
    Ang "trending" ay nangangahulugang anomang sikat at pinag-uusapan sa social media.
  • Ano ang Sward Speak o Gay Lingo?
    Ang Sward Speak o Gay Lingo ay ang mga terminolohiya o salita na ginagamit ng lipunan ng sangkabaklaan.
  • Ano ang mga halimbawa ng Gay Lingo?
    • Keme
    • Baklush
    • Chariz
    • Imbyerna
    • Eklabu
    • Pagoda
  • Paano naging konektado ang social media sa wika?
    Dahil ito ang pangunahing tulay upang magkaroon ng komunikasyon o ugnayan ng dalawang tao.
  • Ano ang ibig sabihin ng barayti ng wika?
    Ang barayti ay pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa.
  • Ano ang rehistro ng wika?
    Ang rehistro ay barayti na may kaugnay na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
  • Bakit nagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika?
    Dahil sa heograpiya, edad at kasarian, antas ng edukasyon, pangkat etniko, at okupasyon.
  • Ano ang simbolismo ng pagkakaiba ng wika?
    Ang pagkakaiba ng wika ay simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal.
  • Ano ang 5 uri ng barayti ng wika?
    1. Dayalek
    2. Idiolek
    3. Sosyolek
    4. Etnolek
    5. Register
  • Ano ang idiolek?

    Ang idiolek ay sariling estilo ng pamamahayag at pananalita ng bawat indibidwal.
  • Ano ang dayalek?

    Ang dayalek ay mga salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan.
  • Ano ang sosyolek?
    Ang sosyolek ay mga salitang may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng indibidwal.
  • Ano ang etnolek?
    Ang etnolek ay barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolinggwistikong grupo.
  • Ano ang register sa wika?
    Ang register ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn.
  • Ano ang mga antas ng wika?
    Mayroon tayong wikang pambansa, wikang opisyal, wikang lalawigan, at wikang islang o balbal.
  • Ano ang tawag sa Pilipinas dahil sa aktibong paggamit ng social media?
    Social Media Capital of the World.
  • Ano ang mga benepisyo ng social media sa komunikasyon?
    • Napadadali ang mga nais sabihin sa malalayong lugar
    • Pinapadali ang pagtanggap at pagpapakalat ng balita
    • Nagiging tulay sa komunikasyon ng mga tao
  • Ano ang mga panganib ng social media sa pagpapakalat ng impormasyon?
    Maraming bagong salita ang umusbong at nagiging iresponsable sa pagpapakalat ng maling impormasyon.
  • Paano binabago ng kabataan ang wika sa social media?
    Sa pamamagitan ng pagpapaikli, paghalo ng Ingles at Filipino, at pagbabago ng spelling at kahulugan ng mga salita.
  • Ano ang mga elemento na ginagamit ng kabataan sa pagbabago ng wika?
    Paghalo-halo ng mga numero, simbolo, at mga malaki at maliliit na letra.