Matatalinghagang Pananalita

    Cards (21)

    • Ano ang matatalinghagang pananalita?
      Mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugan at may nakakubling mas malalim na kahulugan.
    • Saan ginagamit ang matatalinghagang pananalita?
      Sa panitikan, lalo na sa pagsulat ng tula.
    • Ano ang itinuturing na hiyas ng tula?
      Matatalinghagang pananalita.
    • Ano ang mga idyoma?

      Mga pahayag na hango mula sa karanasan ng tao na may malalim na kahulugan.
    • Ano ang halimbawa ng idyoma na ibinigay?
      "Lag, kapoyi mag-uwi."
    • Ano ang tayutay?
      Isang uri ng matatalinghagang pagpapahayag na lumalayo sa karaniwang paraan ng pagsasalita.
    • Ano ang mga uri ng tayutay?
      1. Pagtutulad (simile)
      2. Pagwawangis (metaphor)
      3. Pagmamalabis (hyperbole)
      4. Pagbibigay-katauhan (personification)
      5. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)
      6. Paglawig (apostrophe)
      7. Pag-uyam (irony)
    • Ano ang pagtutulad (simile)?
      Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay gamit ang mga pantulong na katulad ng, gaya ng.
    • Ano ang halimbawa ng pagtutulad?
      Ang digmaan ay tulad ng halimaw na umuungal sa bawat daan.
    • Ano ang pagwawangis (metaphor)?
      Paghahambing na hindi gumagamit ng katulad ng, gaya ng.
    • Ano ang halimbawa ng pagwawangis?
      Ang digmaan ay maitim na usok ng kamatayan.
    • Ano ang pagmamalabis (hyperbole)?

      Lubhang pinapalabas o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.
    • Ano ang halimbawa ng pagmamalabis?
      Bumaha ng dugo sa nangyaring digmaan.
    • Ano ang pagbibigay-katauhan (personification)?
      Pagbibigay-katangian ng isang tao sa bagay na walang buhay.
    • Ano ang halimbawa ng pagbibigay-katauhan?
      Ang bayan'y umiiyak dahil ito'y may tanikala.
    • Ano ang pagpapalit-saklaw (synecdoche)?
      Paghahayag sa pamamagitan ng pagbabanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan.
    • Ano ang halimbawa ng pagpapalit-saklaw?
      Maraming batang nabiktima ng digmaan.
    • Ano ang paglawig (apostrophe)?
      Pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o wala sa harapan.
    • Ano ang halimbawa ng paglawig?
      O Komotingen, hayaan mong mamuhay muna at yumabong ang iyong kabataan.
    • Ano ang pag-uyam (irony)?
      Isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran ang kahulugan.
    • Ano ang halimbawa ng pag-uyam?
      Ang ating bayan ay malaya kahit mga dayuhan ang namamalagi.
    See similar decks