QUIZ 2

Cards (34)

  • Ano ang pangangatuwiran?

    Isang pagpapahayag na may layunin na masubukan ang katatagan at katayuan ng isipan o talinong taglay ng isang tao.
  • Ano ang isa sa mabisang sangkap ng pangangatuwiran?
    Proposisyon
  • Ano ang proposisyon?

    Isang pahayag na maaaring sang-ayunan o tutulan.
  • Ano ang pagpapakahulugan?

    Akto ng pagbibigay kahulugan at linaw sa mga bagay o teksto.
  • Ano ang dalawang paraan ng pagpapakahulugan?
    Denotatibo at konotatibo
  • Ano ang denotatibong pagpapakahulugan?

    Literal na kahulugan ng isang salita na makikita sa diksyunaryo.
  • Ano ang konotatibong pagpapakahulugan?

    Ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon ng nagsusulat.
  • Kinikilala si Severino Reyes bilang?
    Ama ng sarsuwelang tagalog
  • Ano ang pen name ni Severino Reyes?
    Lola Basyang
  • Unang nabasa ang mga kuwento ni Lola Basyang noong?

    Punong-patnugot si Severino Reyes sa Liwayway noong 1925.
  • Ilan ang nasulat na sarsuwela ni Severino Reyes?
    26
  • Kailan inilimbag ang Walang Sugat?
    Noong 1898
  • Kailan at saan itinanghal ang Walang Sugat?
    Noong 1902 sa Teatro Libertad
  • Ano ang tinalakay ng sarsuwelang Walang Sugat?
    Pagmamalupit ng mga paring Kastila sa mga bilanggong Pilipino.
  • Kailan namulaklak ang sarsuwela?
    Panahon ng himagsikan at ng mga Amerikano.
  • Kailan ipinakilala ang sarsuwela?
    Panahon ng mga Espanyol.
  • Sinasabing nanggaling ang sarsuwela saan?
    Sa opera ng Italya.
  • Ano ang genre ng sarsuwela?
    Melodrama o tragikomedya
  • Saan nanggaling ang salitang sarsuwela?
    la Zarzuela ng Espanya
  • Sino ang tinaguriang Reyna ng sarsuwela?
    Atang Dela Rama
  • Ano ang pangalan ni Lola Basyang?
    Gervacia Guzman de Zamora
  • Nanghina ang sarsuwela noong dumating ang mga?
    Bodabil o stage show
  • Ano ang totoong pangalan ni Atang Dela Rama?
    Honorata Dela Rama
  • Kinilala ang sarsuwela ng UNESCO bilang?

    Pambansang teatro at opera ng Pilipinas
  • Ano ang sanaysay?

    Isang uri ng panitikan na tinatalakay ang isang pangyayari upang maibigay o mailahad ang kaukulang paliwanag na ikalilinaw ng pinag-uusapan.
  • Ano ang dalawang uri ng sanaysay?
    Pormal at di-pormal
  • Ano ang pormal na sanaysay?

    Sanaysay na nabubuo sa tulong ng isinasagawang pananaliksik ng manunulat.
  • Ano ang di-pormal na sanaysay?

    Paglalahad na kaswal o sariling talino ang gamit at umiiral.
  • Ano ang pansariling kaisipan?

    Isang proseso o kakayahan ng isip o paraan ng pag-iisip.
  • Ano ang opinyon/palagay?

    Pansariling pananaw o paniniwala na maaaring hindi niya naranasan.
  • Ano ang saloobin?

    Layunin o anumang laman ng isip.
  • Ano ang pananaw?
    Paraan ng pagsasaalang-alang o pagsuri sa isang bagay o suliranin.
  • Ano ang mga salitang sumasang-ayon?

    Naghuhudyat ng pagpayag o pagpanig sa isang pananaw o punto.
  • Ano ang mga salitang sumasalungat?

    Naghuhudyat ito ng hindi pagpanig o hindi pagsang-ayon. Pinapakita nito kung paano nagkakaiba ang dalawang ideya.