ANUNSIYO, BABALA, PAALALA

Cards (15)

  • Ano ang layunin ng anunsiyo?
    Makapagbigay ng komunikasyon tungkol sa mahahalagang detalye.
  • Ano ang karaniwang anyo ng sulating teknikal para sa anunsiyo?
    Karaniwan itong nasa anyo ng liham o memorandum.
  • Ano ang ilan sa mga paksa ng anunsiyo sa trabaho?
    • Anibersaryo ng negosyo o kompanya
    • Mga pagbabago sa patakaran o halaga ng bayarin
    • Plano ng pamunuan kapag welga
    • Pagpapalit ng pangalan ng negosyo
    • Programa sa drug testing
    • Pagpapatigil sa pagtanggap ng bagong empleyado
  • Ano ang unang hakbang sa pagsulat ng anunsiyo?
    Mangalap ng impormasyon.
  • Bakit mahalaga na gawing direkta at maikli ang anunsiyo?
    Upang madaling maunawaan ng pinatutungkulang tao.
  • Ano ang dapat isaalang-alang sa tono ng anunsiyo?

    Ang tono ay sumasalamin sa kung anong uri ito ng anunsiyo.
  • Paano dapat kilalanin ang natamo ng ibang tao sa anunsiyo?
    Bigyan sila ng motibasyon upang mag-asam ng katulad na mga tunguhin.
  • Ano ang dapat isaalang-alang sa presentasyon ng impormasyon sa anunsiyo?
    Dapat itong maging kompleto at payak.
  • Ano ang dapat tiyakin sa gramatika ng anunsiyo?
    Dapat itong tama ang gramatika, bantas, at baybay.
  • Ano ang karaniwang bahagi ng pagsulat ng instruksiyon?
    Ang mga paalala at babala.
  • Ano ang layunin ng babala sa instruksiyon?
    Upang makaiwas na masaktan ang tagapagsagawa o maiwasan ang pagkasira ng kagamitan.
  • Ano ang dapat gamitin para sa epektibong babala?
    Gumamit ng attention icon.
  • Ano ang layunin ng paalala?
    Upang tukuyin ang mga aytem na nagbibigay lamang ng impormasyon.
  • Ano ang maaaring ilagay bago ang paalala upang madali itong mapansin?
    Maaaring maglagay ng raised hand icon.
  • Ano ang mga payo sa pagsulat ng paalala at babala?
    1. Simulan sa simple at malinaw na utos.
    2. Sumulat para sa pinatutungkulan.
    3. Pumili ng mga tiyak na salita.
    4. Magdagdag ng paliwanag kung kinakailangan.
    5. Ilista ang mga kondisyong kailangan bago magsimula.
    6. Maglagay ng headings o grapikong presentasyon.