MGA MANUNULAT SA WIKANG KASTILA

Cards (10)

  • Naging inspirasyon ng ating mga manunulat
    sa Kastila si Rizal hindi lamang sa kaniyang
    pagiging makabayang lider, kun’di dahil pa
    rin sa kaniyang naisulat na dalawang
    nobelang Noli Me Tangere at El
    Filibusterismo.
  • NOLI, EL FILI
    Sinasabing ang dalawang nobelang
    ito ang nagtataglay ng
    pinakamahusay na katangian sa
    lahat ng naisulat na nobelang
    pampanitikan, maging sa Ingles at
    Filipino.
  • CECILIO APOSTOL
    Siya ay may mga tulang handog kay
    Rizal, Jacinto, at halos sa lahat ng
    bayani ng lahi, ngunit ang kaniyang
    handog kay Rizal ang ipinalalagay
    na “pinakamainam na tulang
    papuri”
  • “A Rizal”
    Cecilio Apostol
  • FERNANDO MA. GUERRERO
    Ipinalalagay na kasukob ni Cecilio sa
    paghahari ng balagtasan sa Kastila noong
    kanilang kapanahunan. Sumulat din siya ng
    tulang handog kay Rizal.
    Tinipon niya ang kaniyang mga magagaling
    na tula sa isang aklat na pinamagatang
    “Crisalidas”
  • JESUS BALMORI
    Kilalang-kilala siya sa sagisag na “Batikuling.”
    Naging kalaban niya si Manuel Bernabe sa
    balagtasan sa Kastila sa paksang “El Recuerdo y el
    Olvido.”
  • MANUEL BERNABE
    Siya ay isang makatang liriko at ang
    sigla ng kaniyang damdaming
    Makabayan ay hindi nagbabago sa
    alinmang paksang kaniyang isinusulat.
    Higit siyang naging kaakit-akit sa madla
    dahil sa melodiya ng kaniyang
    pananalita.
  • CLARO M. RECTO
    Hindi siya nagpahuli sa katayugan at
    kadakilaan ng pananalita ng ibang
    pang manunulat sa Kastila.
    Tinipon niya ang kaniyang mga tula sa
    aklat na pinamagatan niyang “Bajo Los
    Cocoteros” (Sa Lilim ng Niyugan)
  • Mga iba pang Manunulat sa Wikang Kastila
    Adelina Gurrea – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na
    magaling sa kastila.
    Isidro Marpori – napatanyag siya sa pamamagitan ng kaniyang apat
    na aklat na pinamagatang “Aromas de Ensueño” (Halimuyak ng
    Pangarap)
    Macario Adriatico – sumulat ng Magandang Alamat ng Mindoro na
    pinamagatan niyang “La Punta de Salto” (Ang Pook na Pamulaan)
  • Mga iba pang Manunulat sa Wikang Kastila
    Epifanio de los Santos – nakilala sa tawag na “Don Panyong.”
    Ipinalalagay siyang magaling na mamumuno, at mananalambuhay
    sa buong panahon ng panitikang Kastila.
    Pedro Aunario – sumulat ng “Decalogo del Protocionismo.”