liriko o pandamdamin - tulang batay sa damdamin at karanasan ng makata
elihiya - nagpapahayag ng malungkot na damdamin dahil sa paggunita sa isang namayapa
tulang pasalaysay - ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod o berso
tulang pandulaan - ay ginaganap sa tanghalan na kinalulugdang pakinggan at panoorin ng mga pilipino gaya ng balagtasan
tulang pangkalikasan - ay tula na may kaugnayan sa paligid at o mundong ginagalawan
malayang taludturan - ay tulang walang sukat at tugma ngunit dahil sa paggamit dito ng matalinghagang salita madarama pa rin ang kariktan at ritmo ng akda
tulang tradisyonal - ay yaong nakagisnang anyo ng tula. ito ay may sukat at tugma.
aniceto silvestre - ay hindi nagkaroon ng pormal na pagaaral sa pagsusulat. siya ay nakapagsulat at nakapagambag sa panitikang pilipino
saknong - ito ay nagtataglay ng mga taludtod na naglalahad ng isang ideya o imahe na nais iparating ng may akda sa mga mambabasa
elemento - ay tumutukoy sa nagpapaganda at nagpapabukod-tangi ng isang akda sa iba pang akdang pampanitikan
taludtod - ay ang bawat linya ng tula sa isang saknong
sukat - ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod
indayog o aliw-iw - ito ay ang tono kung paano binibigkas ang mga taludtod ang pagtaas at pagbaba ng bigkas gayundin ang dulas ng pagbigkas ng mga pantig ng salita sa isang taludtod
tugma - ito ay pagkakatulad ng tunog sa dulo ng mga salita na nasa hulihan ng dalawa o higit pang magkasunod na taludtod
imahen - ito ay tumutukoy sa larawang nakukuha nakikita o nararamdaman
kariktan - ito ang maririkit na salita upang maakit ang mga mambabasa gayon din ay mapukaw ang kanilang damdamin at kawilihan
talinghaga - ito ang nakatagong kahulugan ng mga salitang ginamit sa tula o ang sadyang paglayo ng mga kahulugan upang mas higit maging kaakit-akit sa mga mambabasa