Q2 Filipino Exam

    Cards (37)

    • Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
      ANSWER: Langka
    • Kadena'y isinabit, sa batok nakakawit.
      ANSWER: Kuwintas
    • Ginto sa kalangitan, Di matitigtitigan
      ANSWER: Araw
    • Alipin ng hari, hindi makalakad, kung hindi itali.
      ANSWER: Sapatos
    • Kahit gaano linisin, marumi pa rin ang tingin
      ANSWER: Baboy
    • Kahit gaano linisin, marumi pa rin ang tingin
      ANSWER: Baboy
    • Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
      ANSWER: Kuliglig
    • Bahay ng Salita, Imbakan ng Diwa
      ANSWER: Aklat
    • Heto na si lulong, Bubulong bulong.
      ANSWER: Bubuyog
    • Ang mukha'y parang tao, magaling lumukso.
      ANSWER: Matsing
    • Araw araw bagong buhay, Taun-taon namamatay.
      ANSWER: Kalendaryo
    • Tubig ng pinagpala, walang makakuha kundi munting bata.
      ANSWER: Gatas ng ina
    • Mula berde naging mapula, Napakatamis ng lasa, Sinunungkit ni Ara
      ANSWER: Aratiles
    • Iyak na pasigaw sa kadiliman, para bang tahol nio kamatayan.
      ANSWER: Alulong
    • Isang Kulisap, kikislap-kislap
      ANSWER: Alitaptap
    • Ang katawan ay bala, ang bituka'y paminta.
      ANSWER: Papaya
    • Uyayi o Hele - Awit sa pagpapatulog ng bata.
    • Talindaw o Soliranin - Awit sa pangingisda o pamamangka
    • Kalusan - Awit sa sama-samang paggawa, maari kantahin bago, pagkatapos o habang gumagawa.
    • Diona - Awit sa kasalan, Tula na may tatlong taludtod at
      sukat na may pitong pantig ang bawat saknong.
    • Kundiman - Awit ng pag-ibig o pagmamahal. Maaaring
      malungkot o masaya. Hindi lamang ito inaawit para sa
      panliligaw, maaari din ialay sa mga magulang at pamilya.
    • Kumintang - Awit sa pakikidigma, ito rin ay itinuturing awit sa pagpapahayag ng mahal para sa inang bayan.
    • Sambotani - Awit ng tagumpay
    • Dalit - Awit sa mga Anito o diyos-diyosan
    • Dung-aw - Para sa pagdadalamhati ng
      mga Ilokano sa patay.
    • Umbay - Para sa mga nangungulila, maaari din itong awit tungkol sa paglilibing
    • Ditso - Awit mula sa mga batang naglalaro sa lansangan.
    • Akademikong Sulatin - Nakabatay sa mga datos. May pinagbabatayan. Tama ang pagsipi, pagkilala, at pagbanggit.
      -Pormal
      -May sinusunod na estilo
      -Sumusunod sa istandard na tuntunin
    • Malikhaing Sulatin - Ang layunin nito ay magkwento at magbuod. Magbahagi ng karanasan, ideya, saloobin, pananaw at maaaring likhang-isip lamang.
      -Impormal
      -Personal na estilo
      - Hindi mahigpit ang mga tuntunin
    • Anapora - Ang pangngalan ay ibinabanggit muna bago ang panghalip.
    • Katapora - Ang panghalip ay ibinabanggit muna bago ang pangngalan.
    • Biag Ni Lam-Ang - Epiko mula sa Ilocano
    •  Ibalon - Epiko mula sa Bicolano
    • Hinilawod - Epiko mula sa  Hiligaynon
    • Humadapnon - Epiko mula sa Panay
    •  Hudhud - Epiko mula sa Ifugao
    •  Bidasari - Epiko mula sa Malay
    See similar decks