Likas na Batas-Moral

Cards (19)

  • All I Really Need to Know I Learned in Kindergarten
    • tula ni ROBERT FULGHUM
  • konsensiya
    • ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali
    • nagsisilbing "liwanag" sa isip ng tao at nagpapaalala sa kanya sa gawaing taliwas sa kabutihan
    • Nakadepende ang paghusga ng konsensiya sa tama o mali sa kaalaman ng tao tungkol sa "katotohanan"
  • Kung Mabuti ang ikinilos, ibig sabihin nito na ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay tama at kung masama ang ikinilos, nangangahulugan ito na "taliwas“ sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman.
  • Nawawala ang “dangal” ng konsensiya kapag ipinagwalang-bahala ng tao ang katotohanan at kabutihan.
  • Mahalagang magkaroon ka ng pananagutan upang ituwid ang iyong pagkakamali matapos mong malaman ang katotohanan
  • Ang tao ay may likas na kakayahang kilalanin ang Mabuti at masama.
    • Obligasyon ng tao na pangalagaan ang kaniyang sarili upang mapanatili itong malusog ayon sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
  • Kaakibat ng kalikasan ng tao na naisin na magkaroon ng anak ay ang responsibilidad na bigyan ng edukasyon ang kaniyang anak.
    • Obligasyon ng tao na hanapin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman.
  • Primum non nocere (First Do No Harm)
    • unang layunin ng mga manggagamot ay hindi makapagdulot ng higit pang sakit
    • Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi positibo gaya ng "Magbigay lunas,"
    • positibo ang nais sabihin nito: laging may pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente.
  • Paniwala ng pilosopong si Sto. Tomas de Aquino
    Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.
  • Para sa pilosopong si Max Scheler
    ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam
    • Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama. Walang sinuman ang magnanais na mapasama siya.
  • Likas na Batas Moral
    • Higitsa lahat, layunin ng batas na ito ang kabutihan ng tao.
    • likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan
    • ang walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito
    • ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao
    • ito ang gumagabay sa kilos ng tao
    • Layon na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at kilos.
  • Ang tao ang iisang nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at sumira ng kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ang Likas Batas Moral. Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung susundin niya ang batas na ito.
  • Mga Katangian ng Batas Moral
    • Obhektibo
    • Walang Hanggan (Eternal)
    • Pangkalahatan (Unibersal)
    • Di-nagbabago (Immutable)
  • Obhektibo
    • namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan
    • Ito ay nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos
    • Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao.
    • Pangkalahatang katotohanan ito na may makatwirang pundasyon
    • Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao
    • Hindi ito naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalona ng pagtingin ng taodito.
    • Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.
  • Pangkalahatan (Unibersal)
    • sinasaklaw nito ang lahat ng tao
    • Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
    • nakaukit ito sa kalikasan ng tao; kaya’t ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao
  • Walang Hanggan (Eternal)
    • Ito ay umiiral at mananatiling iiral
    • Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente
    • Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya‟t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin.
    • Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan
  • Di-nagbabago (Immutable)
    • Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man).
    • Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago
    • Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao.
    • Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat.
  • Mga Katangian ng mga Taong Nakaabot sa Kaganapan ng Kanyang Pagkatao (Self-Actualization)
    1. Nakikita ang katotohanan na Mabuti at makahaharap sa mga hindi inaasahan
    2. Tinatanggap ang sarili at kapuwa kung sino at ano sila
    3. Maayos ang kaisipan at gawa
    4. Nakasentro sa problema at hindi sa sarili lamang. Siya ay nagiisip upang mapaganda ang buhay ng tao
    5. May kakayahang magpasaya sa iba
  • Mga Katangian ng mga Taong Nakaabot sa Kaganapan ng Kanyang Pagkatao (Self-Actualization)
    • Nakatingin sa layunin ng buhay ng tao
    • Maklihain
    • May katatagan sa mga makabagong kultura
    • May malasakit sa katayuan ng kalikasan ng tao
    • Mayrooong malalim na pagpapahalaga sa pundasyon ng karanasan ng buhay
    • Maitatag ang malalim at kaaya-ayang pakikipagugnayan sa tao
    • Pinakaganap na karanasan sa buhay
    • Kailangan ng pribadong buhay
    • May demokratikong buhay o mapayapa at marangal na pamumuhay
    • Matatag sa marangal at matuwid na pamumuhay