Lipunang Sibil

Cards (15)

  • Hamon ng dating pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy
    “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.”
  • pamahalaan
    • gumagawa at nagpapatupad ng mga batas upang matiyak nito na matutugunan ang mga pangangailangan sa lipunan
    • Magkagayon man, sa maraming pagkakataon ay nagkukulang ang pamahalaan na matugunan ang layuning ito
    • Ito marahil ang naging pagtugon ng iilan upang bumuo ng samahan o organisasyon para magtaguyod ng iba’t-ibang adbokasiya para sa layuning makamit, kumilos tungo sa kabutihang panlahat
  • lipunang sibil
    • kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama samang pagtuwang sa isa’t-isa
    • nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod
    • nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na pangmatagalang solusyon para sa lipunan
    • pagnanais ng mgamamamayannamatugunan ang kanilang mga pangangailangan na BIGONG TUGUNAN ng pamahalaan
  • samahan o organisasyon
    • may layuning itaguyod ang mga ispesipikong interes o kagustuhan ng mga mamamayan
    • kadalasang Non-Government Organizations (NGO’s)
    • tinatawag na caused oriented groups
    • may mga adhikain at adbokasiyang tinataguyod at pinaglalaban.
    • hindi kabahagi ng anumang ahensya ng pamahalaan
  • Mga samahang ngtataguyod ng ibat-ibang adbokasiya:
    • Haribon Foundation
    • Philippine National Red Cross
    • GABRIELA
    • Gawad Kalinga
  • Haribon Foundation
    • isa sa pangunahing tumutulong sa pangangalaga ng kalikasan partikular na sa Pilipinas na nagsimula bilang bird watcher noong 1972
    • Ang kanilang opisina ay matatagpuan sa Cubao Quezon City.
  • Gawad Kalinga
    • isang pandaigdigang organisasyong tumutulong sa mga mahihirap
    • Marami na silang natulungan at maraming komunidad na rin para sa mahirap ang kanilang naitatag
  • GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reform, Integrity, Equality, Leadership and Action)
    • kilala rin bilang Gabriela Women's Party
    • progresibong pulitikal na samahan sa Pilipinas na nakatuon sa mga isyu at pagsulong ng mga karapatan ng mga kababaihan
  • Mga Naitatag ng GABRIELA
    • Anti-Sexual Harassment Act (1995);
    • Women in Development and National Building Act (1995);
    • Anti-Rape Law (1997);
    • Rape Victims Assistance and Protection Act (1998);
    • Anti-Trafficking of Persons Act (2003);
    • Anti-Violence Against Women and Their Children Act (1994).
  • Katangian ng iba’t-ibang Anyo ng
    Lipunang Sibil
    • Pagiging Organisado
    • May Isinusulong na Pagpapahalaga
  • Pagiging Organisado
    • Nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailagan, nagbabago rin ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan
  • May Isinusulong na Pagpapahalaga
    Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi kabutihang panlahat – katarungang panlipunan, pang-ekonomiya pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at espiritwalidad
  • Media
    • Anumang bagay na “nasa pagitan” o namamagitan sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium (o media kung marami).
    • Mahalagang magpalaganap ng wasto, napapanahon at walang kinikilingang impormasyon at balita upang mailahad ang kamalayan at kaalaman sa publiko
  • mass media
    • maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa natin
    • diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula o internet.
  • Simbahan
    sa pangkalahatan, anuman ang demonisasyong kinaaaniban ay may pangunahing tungkulin na ituro at gabayan ang kanilang mga tagasunod sa paglinang ng moral at espiritwal na pagpapahalaga na magtataguyod ng paggalang sa buhay at dignidad ng tao .