MANWAL - Ang manwal ay reperensiyang material na ginagamit sa pagsasanay, pag oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo, pagpapatakbo ng mga makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto.
Mga Bahagi ng Manwal
Pamagat
Talaan ng Nilalaman
Pambungad
Nilalaman
Apendise
PAMAGAT- Nagbibigay ng pangunahing ideya kung ano ang nilalaman ng manwal.
TALAAN NG NILALAMAN - Nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan ito nakatala
PAMBUNGAD -Naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may akda o sa isang taong may kaugnayan sa kompanyang nagmamay-ari ng manwal..
NILALAMAN -Tumatalakay sa katawan ng manwal, sa mismong pagpapaliwanag ng mg bagay, pamamaraan at/o alituntunin.
APENDISE -Matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga impormasyon sa pagkontak, mga tala at iba pa
URI ng Manwal
MANWAL SA PAG BUO (ASSEMBLYMANWAL)
MANWAL PARA SA GUMAMIT O GABAY SA PAGGAMIT (USER MANUAL O OWNER’SMANUAL)-
MANWAL NA OPERASYONAL (OPERATIONALMANUAL)-
MANWAL - SERBISYO (SERVICEMANUAL)-
TEKNIKAL NA MANWAL (TECHNICALMANUAL)-
MANWAL PARA SA PAGSASANAY (TRAININGMANUAL)
MANWAL SA PAGBUO (ASSEMBLYMANWAL)-Para sa konstruksyon o pagbuo ng isang gamit, alignment, calibration, testing, at adjusting sa isang mekanismo.
MANWAL PARA SA GUMAMIT O GABAY SA PAGGAMIT (USER MANUAL O OWNER’S MANUAL)- Naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular na pangangalaga o pagsasaayos ng mga kagamitan, at mga pangunahing operasyon o gamit ng isang mekanismo.
MANWAL NA OPERASYONAL (OPERATIONALMANUAL)-Kung paano gamitin ang mekanismo at kaunti ng maintenance
MANWAL - SERBISYO (SERVICEMANUAL)- Routine maintenance ng mekanismo, troubleshooting, testing, pag-aayos ng sina o pagpapalit ng depektibong bahagi.
TEKNIKAL NA MANWAL (TECHNICALMANUAL)-Nagtataglay ng espisippikong mga bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis at pagbuo.
MANWAL PARA SA PAGSASANAY (TRAININGMANUAL)-Ginagamit sa programang pagsasanay ng partikular na mga grupo o indibidwal.
Manwal - Malinaw ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng paggamit ng sino, ano, kailan, saan, bakit, at paano.
Manwal - Ang mga impormasyon ay mula sa mga eksperto
Manwal - Sistematiko ang pagkakaayos ng impormasyon
Manwal - Angkop at mahusay na paggamit ng disenyo at illustration.
Manwal - Angkop at mahusay na paggamit ng disenyo at illustration.
Manwal - May maayos na pagkakalatag ng balangkas
Liham Pang-Negosyo - Business Letter
Liham Pang-Negosyo - Ito ay naglalaman ng isang kahilingan sa isang serbisyo, suplay, produkto at marami pang iba. Kung minsan ay ipinaparating din dito ang mga hinaing at reklamo sa isang organisasyon na maaring may malaking banta o epekto sa takbo ng kanilang negosyo.
Mga Bahagi ng Liham Pang-Negosyo
Pamuhatan
Patunguhan
BatingPanimula
Katawan ng Liham
BatingPangwakas
Lagda
PAMUHATAN - nagsasaad ito ng tinitirhan ng sumulat at petsa nang sulatin ang liham.
PATUNGUHAN - ito ang tumatanggap ng liham.
BATING PANIMULA - ito ay magalang na pagbati na maaring pinangungunahan ng Ginoo, Ginang, Mahal na Ginang o Mahal na Binibini. Mahalaga na angkop sa taong padadalhan ang liham ang bating panimula o ginagamit.
KATAWAN NG LIHAM - ito ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ng sumusulat sa kanyang sinusulatan.
BATING PANGWAKAS - Ito ay bahagi ng pamamaalam ng sumulat at nagtatapos sa kuwit (,).
LAGDA - pirma ng sumulat.
URI ng Liham Pang-Negosyo
Liham Aplikasyon
Liham Pagpapakilala
Liham na Nagrereklamo
Liham Subrikasyon
Liham Pamimili
Liham na Nagtatanong
Liham Aplikasyon - ang liham na ito ay isinusulat upang humanap ngtrabaho.
Liham Pagapapakilala - Isinusulat ang liham na ito upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang isang bagay/produkto na iniendorso.
LihamnaNagrereklamo - isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing
Liham Subskripsyon - isinusulat upang maglahad ng intensyon sa subskripsyon ng pahayagan, magasin at iba pang babasahin.
Liham Pamimili - ang liham na ito ay isinusulat upang bumili ng paninda na ipapadala sa post office.
Liham na Nagtatanong - ang liham na ito ay isinusulat upang humingi ng impormasyon.