KABANATA 5_MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

Cards (39)

  • Roberto Ampil (2014) - "ang komunikasyon ay binigyang-kahulugan bilangpinagsamang pagkatinawangmensahe, at malaking bahaging pagtatagumpay nito ay ang pagkakaroon ng komon na "wika" ng mga kasapi sa komunikasyon at ang kanilang kahusayan sa paggamit nito."
  • Stewart Tubbs (2010) - "ang komunikasyon ay 'bahaginan ng karanasan' sa pagitan ng isa o higit pang mga tao."
  • DALAWANG KAKAYAHANG NILILINANG SA GAWAING PANGKOMUNIKASYON
    1. Kakayahang Linggwistika (Linguistic Competence)
    2. Kakayahang Komunikatibo (Communicative Competence)
  • Kakayahang Linggwistika (Linguistic Competence) - kakayahang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang panggramatika.
  • Kakayahang Komunikatibo (Communicative Competence) - kakayahang maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong panggramatikang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihing ng sitwasyon.
  • Forum o pangkatang pagpupulong - ay pagtitipon ng isang pangkat na may pagkakatulad na katangiang sosyal, edukasyunal at maging kultural at may layuning maplano at magkausp-usap hinggil sa isang mahalagang paksa.
  • Forum - ang mga pagtitipong virtual ng mga indibidwal sa pamamagitan ng internet kung saaan ay tinatalakay ang mga napapanahong isyu.
  • 2 Uri ng Forum
    1. Pampublikong Forum
    2. Di-Publikong Forum o Eksklusibong Forum
  • Pampublikong Forum - pagtitipon na walang eksklusyon na maaaring maisagawa sa isang lugar na karaniwan para sa lahat.
  • Di-Publikong Forum o Eksklusibong Forum - pagpupulong ng isang pangkat na maaaring limitado lamang sa mga miyembro ng isang organisasyon o samahan.
  • Lektyur - ay isang uri ng pagsasalita na nagmula sa salitang Latin na "lectura" na ang ibig sabihin ay "pagbabasa". Ito ay naglalayon na makapagturo o makapagtanghal at makapagpabatid ng isang ideya sa tao.
  • Lektyur - Nagbibigay ng orihinal na ideya at mga pagtuturo na nagmula sa material na nakikita sa libro. Mas kontrolado ng () ang pagdaloy ng pagtuturo at mas nabibigyang kahalagahan niya ang objektib, layon at daloy ng presentasyon. Mas nabibigyang pansin at mas mabilis natutugunan ang mga tanong ng mga kalahok sa ().
  • 2 Uri ng Lektyur
    1. Impormal na lektyur
    2. Pormal na lektyur
  • Impormal na lektyur - malayang nagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na sinusunod.
  • Pormal na lektyur - kontrolado ang palitan ng kuro-kuro at may hakbnag na sinusunod.
  • seminar - ay isang programa na may partikular na outline at pormat na sinusunod sa isang aktibidad. Ang pagruturo o talkayan ay nakaayon sa itinalagang speaker o tagapagsalita. Maraming mga seminar ang idinaraos sa labas ng akademya upang bigyang-kaalaman ang mga propesyonal at mga manggagawa.
  • Ang simposyum at kumperensya ay halos magkasingkahulugan na parehong tungkol sa pagpupulong. Ang dalawa ay pagpupulong ng mga taong may iisa o pare-parehong interesado sa paksang tatalakayin ngunit mayroon din silang pagkakaiba.
  • Simposyum - ay tila isang maliit na bersyon ng kumperensya. Tinatalakay rin dito ang isang partikular na isyu o usapin. Karaniwan ay mga eksperto sa isyu ang nagsasama-sama at nagtatalakay ng kanilang mga ideya sa ().
  • Kumperensya - ay isang pormal na pagpupulong na inorganisa ng mga miyembro ng isang orgnisasyon, grupo o mga tao upang talakayin ang isang paksa na ang mga miyembro ay may pangkaraniwang interes. Ang mga () ay mas matagal na panahon dahil ang isang kumpletong pag-aaral ng paksa na pinag-uusapan ay dapat gawin kung saan ang mga kalahok ay dapat magbigay ng kanilang opinyon.
  • Roundtable discussion o small group discussion - kung saan nagkakaroon ng malayang talakayan ang maliit na grupo. Ang grupong ito ay binubuo ng 10 tao. Walang tagapagsalita (speaker) sa roundtable discussion, ngunit pinangungunahan ng facilitator upang maging maayos ang pagpapahayag ng ideya ng bawat isa hinggil sa ispesipikong paksa at isyu.
  • Pulong - Ito ay ang regular na pagsasagawa ng isang usapan na binubuo ng mga opisyal o kasapi ng isang grupo o organisasyon. Isinasagawa ang isang () upang mapag-usapan ang ilang mga isyung kinakaharap ng organisasyon o di naman kayay upang pag-usapan ang mga napapanahong plano na maaaring makatulong sa pag-unlad ng organisasyon.
  • Asembliya - Ay isang malakihang pulong ng grupo ng mga tao para sa iba't ibang dahilan. Nilalahukan ito ng mga miyembro ng isang organisasyon o mga stakeholder nito upang talakayin ang pinakamahahalagang isyung kinakaharap ng buong sistema ng isang organisasyon. Karaniwan naman itong isinasagawa minsan sa anim na buwan o isang taon.
  • Apat na Elemento ng isang organisadong Pulong:
    • Pagpaplano (Planning)
    • Paghahanda (Atranging)
    • Pagpoproseso (Processing)
    • Pagtatala (Recording)
  • Telebisyon, radyo at internet - ay ang mga uri ng midya o daluyan ng impormasyon na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan at mga tunog na naglalakbay sa ere gamit ang mga kagamitang makatutulong upang maabot at maging konektado sa mga ito.
  • Telebisyon - ay isa sa pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng populasyon o taong naaabot nito. Isa sa mabuting naging epekto ng paglaganap ng cable satellite connection ay upang maabot o marating ang malalayong pulo dito sa loob at labas ng bansa.
  • Radyo - bilang isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito. Mauunawan ang gampanin ng () bilang gabay sa kamalayang panlipunan. Naghahatid ng musika, naghahatid ng mga talakayan/pulso ng bayan, naghahatid ng napapanahong balita nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa.
  • Internet - ay isang global na network na konektado sa network na gumagamit ng TCP/IP upang maihatid ang data sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng media.
    Ito ay isang Sistema ng mga network na magkakaugnay sa pamamagitan ng iba't ibang mga protocol na nag-aalok ng iba't ibang mga serbisyo at mapagkukunan.
  • URL o Uniform Resource Locator - isang address ng kung tawagin ay website. Ito ang paraan upang mapuntahan natin ang isang website na kailangan nating makita gamit ang Internet at web browser.
  • Web browser - ay isang uri ng software na siyang kailangang gamitin upang tayo ay makagalaw sa Internet. Kapag tayo ay pupunta sa isang website, kinakailangan nating ilagay ang address nito sa address bar ng (). Pagkatapos pindutin ang Enter, tayo ay didirekta na sa website na nais nating makita.
  • Wikang Filipino - ang pangunahing midyum na ginagamit sa bawat programang lokal sa telebisyon man o sa radyo. Ang mga halimbawa ng mga programang () na gumagamit ng () ay ang mga teleserye, balita, pangtanghaling palabas at mga lokal na programang ().
  • Uri ng Palabas o Programa sa Telebisyon at Internet
    1. Balita
    2. Dokumentaryo
    3. Isports
    4. Pang-edukasyon
    5. Drama
    6. Musika
    7. Variety Show
    8. Reality Show
  • VIDEO CONFERENCING - ayon sa pag-aaral na isinagawa ng The International Review of Research in Open and Distributed Learning o IRRODL (2019), ang () ay isang instrumento na ginagamit sa malawakang pakikipagkomunikasyon. Ang () ay tumutukoy sa isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga kalahok na nasa magkalayong lugar. Itinutuloy ito ng teknolohiya ng video kaya nagkakakitaan ang mga kalahok sa pamamagitan ng isang screen.
  • video conference - video call (facetime, skype at messenger video call)
  • tatlong uring video conferencing:
    1. DVC o Desktop Video Conferencing
    2. IVC o Interactive Video Conferencing
    3. WVC o Web Video Conferencing
  • KOMUNIKASYON SA SOCIAL MEDIA - ang plataporma ng () ang isa sa pinakamalawak at mabilis na paraan ng komunikasyon sa kasalukuyan. Ayon sa pag-aaral ni Lamdag Vol.7 no.1 (2016), sa panahon ngayon ang () ay naging bahagi na ng pang araw-araw na buhay ng milyon milyong Pilipino.
  • Osterreider (2013) - ang social media ay mayroong malaking ginagampanan sa ating buhay. Halos ang ating pang araw-araw na pamumuhay ay hindi lumilipas ng hindi natin ginagamit ang isa o higit pang social media platforms tulad ng Twitter, Instagram, Youtube, Facebook, Tiktok, Reels at iba pa.
  • Ang ating bansa ang tinaguriang "Social Media Capital of the World". Ang pangunahing anyo nito ay ang Facebook, Instagram at Twitter.
  • Worksyap - Ito ay ang pagsasanay sa isang tiyak na kasanayan na isinasagawa matapos ang isang seminar o kayay sa pagitan ng bawat pagtalakay.
  • worksyap - isang pagpupulong na kung saan ang grupo ng mga tao ay nakisali sa masinsinang talakayan at aktibidad sa partikular na paksa o proyekto?