KOLONYALISMO SA PILIPINAS

Cards (19)

  • Sino si Miguel Lopez De Legazpi at anong taon siya nagtatag ng kolonya?
    Si Miguel Lopez De Legazpi ay nagtatag ng kolonya noong 1565.
  • Ano ang Representative Colonial Government?
    Isang pamahalaan na ipinatupad gamit ang pagtatalaga ng gobernadora bilang puno ng administrasyong kolonyal.
  • Ano ang mga layunin ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas?
    • Misyon ng Prayle: Ipinadala ng Espanya ang mga misyonaryo upang gawing Kristiyano ang mga Pilipino.
    • Gampanin ng Simbahan: Naging makapangyarihan ang simbahan at bahagi ng pamahalaan.
    • Pagbuo ng Kulturang Kristiyano: Ang mga kapistahan at debosyon sa mga santo ay naging mahalagang bahagi ng buhay ng mga Pilipino.
  • Ano ang Reduccion?
    Ang Reduccion ay ang pagpapalipat ng mga Pilipino sa pamayanang tinatawag na pueblo.
  • Ano ang Encomienda?
    Encomienda ay lupang inangkin ng mga Espanyol at pinaparenta sa mga Pilipino.
  • Ano ang Polo Y Servicio?
    Ang Polo Y Servicio ay sapilitang paggawa para sa mga lalaking 16-60 taong gulang.
  • Ano ang Tributo?
    Tributo ay ang pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino.
  • Ano ang monopolyo ng tabako?
    Isang patakaran na ipinatupad ni Gobernador-Heneral Jose De Basco upang mapalaki ang kita ng pamahalaan.
  • Ano ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol?
    • Lakandula (1574): Tinanggalan ng pribilehiyo.
    • Fransisco Dagohoy (1744-1829): Hindi binigyan ng Kristiyanong libing ang kapatid.
    • Diego Silang (1762): Tutol sa buwis at pamamalakad ng Espanyol.
    • Sumoroy (1649): Tutol sa Polo Y Servicio.
    • Tambolot (1621): Bumalik sa katutubong paniniwala.
    • Hermano Puli (1840/1841): Nilaban ang diskriminasyon sa mga Pilipinong nais maging pari.
  • Ano ang Treaty of Paris (1898)?
    Isang kasunduan kung saan isinuko ng Espanya ang teritoryo ng Cuba, Puerto Rico, Guam, at Pilipinas sa Estados Unidos.
  • Ano ang ideolohikal na batayan sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng Estados Unidos?

    • Benevolent Assimilation: Tulong at pagtuturo sa mga Pilipino.
    • White man’s burden: Moral na tungkulin na sibilisahin ang mga lahing itinuturing na mababa.
    • Manifest Destiny: Banal na tungkulin na palawakin ang teritoryo at impluwensya.
  • Ano ang Pacification Campaign?
    Isang estratehiya ng mga Amerikano na gumamit ng "total war" laban sa gerilyang Pilipino.
  • Ano ang Sedition Act?
    Isang batas na ipinagbawal ang anumang pahayag na nag-uudyok ng rebolusyon laban sa pamahalaang Amerikano.
  • Ano ang Bregandage Act (1902)?
    Isang batas na nagsupil sa mga gerilyang Pilipino na lumalaban sa mga Amerikano.
  • Ano ang Reconcentration Act (1902)?
    Isang batas na inilipat ang mga sibilyang Pilipino sa mga "reconcentration camps".
  • Ano ang mga bansang nanakop at mga nasakop sa Unang Yugto ng Kolonyalismo?
    • Britain: India, Burma, Sri Lanka, at iba pa.
    • France: Vietnam, Laos, Cambodia.
    • Netherlands: Sri Lanka, Taiwan, Indonesia.
    • Portugal: Goa, East Timor, Macau.
    • Spain: Pilipinas.
    • Thailand: "Land of the Free" dahil hindi nasakop.
  • Ano ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo?
    • Tinaguriang panahon ng "high imperialism".
    • Pagpapaligsahan ng mga bansang kolonyal sa pag-angkin ng lupain.
    • Musbong ang mga bansang Germany, Estados Unidos, Japan, Italy, at Russia.
  • Ano ang mga hakbang na ginawa ng mga katutubo sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo?

    • Pagbago ng sistema ng pamamahala.
    • Pagbuo ng mga organisasyon para sa kabuhayan at kultura.
    • Paggamit ng edukasyon at sariling wika para sa kasaysayan at pagkakakilanlan.
  • Ano ang Panahon ng pagkamulat para sa mga taga-TSA?
    Panahon ng kilusan para sa kapakanan ng inang bayan.