Sa kanluran ng Greece ang tangway ng Italy na nasa sentro ng rehiyong Mediterranean.
Sa Rome, umusbong ang pamayanang Paleolitiko noong 250 BCE at Panahong Bronze noong 1000 BCE.
Noong 1000 BCE, isang pangkat ng mga taong gumagamit ng wikang Italic ang dumating sa Rome mula sa Adriatic Sea.
Bunsod ng kaaya-ayang heograpiya, umusbong ang Rome ay naging maunlad na siyudad sa tangway ng Italy na dati-rati ay isa lamang maliit na pamayanan sa silangang bahagi ng pampang ng Tiber River.
Ang Tiber River ay dumadaloy mula sa kabundukan ng Apennine patimog-kanluran tungo sa Tyrrhenian sea.
Sa Palatine itinayo ang mayayaman at makapangyarihan ang kanilang mga kabahayan.
Ang mga Etruscan ang siyang may pinakamalaking epekto sa naging takbo ng pamumuhay ng mga sinaunang Roman.
Umusbong ang kanilang kabihasnan sa Etruria na nasa kanluran ng Apennine sa pagitan ng mga ilog ng Arno at Tiber noong 800 BCE.
Psoibleng sila ay mga Lydian mula sa Asia Minor na tinawag ang kanilang mga sarili bilang Tyrrhenoi o Tyrrhenian sa kanilang paglagi sa Italy.
Tusci - kung saan hango ang Tuscany
Etrusci - kung saan hango ang Etruscan
Imperium - ang karapatan ng isang pinuno na magpalabas ng mga kautasan at ipatupad ito sa pamamagitan ng multa, pagdakip, at pagbibigay ng kaparusan,
Ikatlo sa sangay ng pamahalaan ang asamblea na binubuo ng mga mamamayan na pinapangkat sa tatlumpu.
Ayon sa alamat, ang magkapatid na kambal na sina Romulus at Remus ang mga tagapagsimula ng Rome noong 753 BCE.
Forum - dito umusbong ang Rome bilang isang mahalagang sentro
Dictator o Diktador - ang humahalili sa dalawang konsul na binibigyan ng kapangyarihan nang hindi lalampas sa anim na buwan.
Bago pa man magkaroon ng bagong hari, pinagpasyahan ng mga Roman na maghalal ng dalawang mahistrado na tintawag na consul o konsol.
Sinasabing nagkaroon ng dalawang pangkat sa sinaunang lipunang Roman na nagtagisan sa kapangyarihang politikal ang mga patrician at plebeian.
patrician - pangkat ng mga naghaharing uri
plebeian - malalayang Roman
legion - isang puwersang mahusay sa pakikipaglaban saanman o anomang uri ng lugar
Sumiklab ang First Punic War noong 264 BCE nang simulang palayasin ng Rome ang isang puwersa ng Carthaginian sa Messina na nasa hilagang-silangang dulo ng Sicily.
Nanatili ang Carthage bilang nakaambang panganib ng Rome. Nang lumaon, sumiklab ang Second Punic War.
Hannibal - isang henral na Carthage, ang namuno sa isang puwersang lumusob sa Rome noong 218 paglalakbay sa katimugang France hanggang Alps.
Nagapi ng mga Roman ang mga Carthaginian sa siang labanan sa Ilipia sa Spain noong 206 BCE.
Noong 149 BCE, sumiklab ang third Punic War na nagtagal lamang ng tatlong taon kung saan mas maliit ang mga labanan kung ihahambing sa dalawang nauna.
Noong 146 BCE, tuluyang winasak ni scipio Aemilianus, apo ni Scipio Africanos, ang Carthage.
Naging latifunda ang mga lupaing ito kung saan nagtatanim doto ang mga alipin at magsasaka ng mga halamang ginagamit para mga produktong panluwas.
Nagtungo sila sa mga sentro tulad sa Rome upang maghanap ng trabaho kahit mababa ang pasahod at naging bahagi ng proletarius.
Tinawag na First Triumvirate ang alyansang binuo nina Pompey the Great, Marcus Licinus Crassus, at Julius Caesar na nagsimula noong 60 BCE.
Tinawag ang bawat isa bilang triumvir na may magkapantay na kapangyarihang politikal.
Panghuli, si Julius Caesar ay isang sikat na politiko at nahalal na konsul noong 59 BCE subalit hindi katanggap-tanggap sa mga konserbatibong senador.
Spartacus - isang gladiator at alipin nag-alsa sa panahon ng republika noong 72 BCE hanggang 71 BCE.
Crassus - isang heneral ng nagmamay-ari ng malaking lupain at itinuturing ng malaking lupain at itinuturing na pinakamayamang tao sa kasaysayan ng Rome.
Pinamunuan niya ang isnag hukbo patungong Spain at kumilos upang sakupin ang Gaul sa tinwag na GallicWars.
Matapos ang ginawang pagpatay kay Julius Caesar, nabuo ang panibagong alyansang tinawag na Second Triumvirate, na kinabibilangan nina Mark Antony, Lepidus, at Octavian noong 43 BCE.
Natapos ang Republika ng Rome sa pagkapanalo ni Octavian noong 31 BCE sa Actium.
Noong 27 BCE, ipinagkaloob ng senado ang malawak na kapangyarihan kay Octavian, gayundin ang titulong Augustus na nanagngahulugang "kamahalan at dakila."
Idinagdag din niya ang katagang caesar sa kaniyang pangalan, at nakilala bilang Augustus Caesar at 'unang mamamayan' ng Rome.