pananakop o pagkontrol ng isang mas makapangyarihan (powerful) o malakas na katawang pulitikal (political entity) sa isang mas mahinang katawang pulitikal
Kolonyalismo
uri ng pamamahala kung saan direktang nasa ilalim ng makapangyarihang/dominanteng bansa ang pamamahala ng isang maliit o mahinang bansa
Ang imperyalismo ay ideya/ideyolohiya habang ang kolonyalismo ay ang kilos/akto/gawa.
Kahulugan ng Imperyalismo:
paglikha ng imperyo (empire) na binubuo ng mga teritoryo o mga bansa sa labas g hangganan
Mga uri ng Imperyalismo:
Kolonya
Protectorate
Sphere of Influence
Kolonya
TUWIRANG uri ng pagkontrol (direct control)
namamahala ang mga opisyal ng mother country at halos walang posisyon ang mga lokal sa opisyal
second class citizen sa sariling bansa
Protectorate
tumutukoy sa isang bansa na may sariling pamahalaan NGUNIT kontrolado ng isang panlabas na kapangyarihan (external power)
may proteksyon ang bansa laban sa mga panlabas na hamon (challenges/threats)
Sphere of Influence
panghihimasok ng isang panlabas na kapangyarihan sa mga usaping pampulitika at pang-ekonomiya ng rehiyon/lugar (Lugar Pangkalakalan (Trading Posts) at Paglagda sa mga Kasunduan (treaties)
Kolonyalismo
itinatag sa malalayong rehiyon
PISIKAL na pagkontrol ng isang kolonya sa larangan ng Pulitika, Ekonomiya, at Sosyo-Kultural
Pamamaraan ng Kolonyalismo:
Tuwiran (pormal o kolonyalistang teritoryal)
Hindi tuwiran (impormal o kolonyalismong pang-ekonomiya)
Tuwiran
direktang hinawakan ang halos lahat ng aspeto ng buhay ng mga tao
paglipat ng halos lahat ng sistema at institusyon ng mananakop (kolonyalista) sa sinakop (pamahalaan, ekonomiya, edukasyon, relihiyon, at iba pa)
Hindi tuwiran
panghihimasok/pagmamanipula (manipulate) sa mga usaping pampulitika at pang-ekonomiya ng kolonya upang mapakinabangan ang likas na yaman (natural resources) at pansariling interes
Dahilan ng Imperyalismo sa Asya:
Kayamanan (Gold)
Kapangyarihan (Glory)
Relihiyon (God)
White Man's Burden
Kayamanan
Rebolusyong Industriyal
mapagkukuhanan ng hilaw na sangkap (sources of raw materials)
mapagbebentahan ng mga gawang produkto (market for finished products)
Kayamanan - Mga Yugto (Stages)
Unang Yugto (ika-15 hanggang ika-17 dantaon)
MERKANTILISMO - ang yaman ng bansa ay nakabatay sa dami ng produktong metal partikular ang GINTO at PILAK
Ikalawang Yugto (ika-18 hanggang ika-19 dantaon)
KAPITALISMO - ang pamumuhunan (investments) ng malalaking bansa (rich countries) para sa mga pinagkukunang likas yaman (natural resources) ng mga bansa o teritoryo para sa kita (profit)
Relihiyon
ipalaganap ang KRISTIYANISMO at yakapin ang mga Asyano
may kasamang mga misyonero ang mga manlalayag
White Man's Burden
naniniwala ang mga imperyalista na tungkulin nilang ibahagi ang kanilang kabihasnan (mga ideya at sistema ng edukasyon, pamamahala, relihiyon, kalusugan, at iba pa) sa ibang mga lahi at lupain