Kabihasnang Klasiko sa Greece

Cards (78)

  • Saan matatagpuan ang Greece?
    Sa silangan ng Mediterranean Sea
  • Ano ang pangunahing gawain ng mga sinaunang Griyego?
    Pagtatanim at pagsasaka
  • Anong uri ng klima ang mayroon sa Greece na angkop sa pagtatanim?
    Mahalumigmig na klima
  • Ano ang mga pangunahing produkto ng mga sinaunang Griyego?
    Langis ng oliba at alak
  • Bakit napilitan ang mga Griyego na mangisda at mangalakal?
    Dahil sa paglaki ng populasyon
  • Kailan nagsimula ang kabihasnang Mycenaean?
    Noong kalagitnaan ng 2000 BCE
  • Ano ang naging dahilan ng pag-angat ng kabihasnang Mycenaean?
    Impluwensya ng sining at kalakalan
  • Ano ang tawag sa malaking parihabang bulwagan sa mga palasyo ng Mycenaean?
    Megaron
  • Kailan natapos ang kabihasnang Mycenaean?
    Noong 1200 BCE
  • Ano ang mga dahilan ng pagkasira ng kabihasnang Mycenaean?
    Kalamidad, paglusob ng mga kaaway, at pag-aaway
  • Ano ang Digmaang Trojan?
    Isang labanan sa pagitan ng mga Griyego at Troy
  • Sino ang namuno sa mga Griyego sa Digmaang Trojan?
    Haring Agamemnon ng Mycenae
  • Ano ang naging sanhi ng hidwaan sa Digmaang Trojan?
    Pagkuha ni Paris kay Reyna Helen ng Sparta
  • Ano ang polis o estadong-siyudad?
    Pinakakilalang politikal na yunit ng mga Griyego
  • Ano ang tatlong pangunahing estadong-siyudad sa Greece?
    Atenas, Sparta, at Tebes
  • Ano ang pagkakaiba ng sistema ng pamahalaan ng Atenas at Sparta?
    Ang Atenas ay may demokrasya, habang ang Sparta ay may estriktong sistema
  • Ano ang papel ng mga helot sa Sparta?
    Sila ang mga nagtratrabaho sa lupa para sa mga Spartan
  • Ano ang mga karapatan ng mga babae sa Sparta?
    May karapatan silang bumoto at sanayin sa gymnastics
  • Ano ang nangyayari sa mga batang Spartan sa edad na pitong taon?
    Sila ay tinuturuan ng ehersisyo at hindi pinapayagang makipagtalo
  • Paano nakatulong ang estriktong sistema ng pamamahala sa Sparta?
    Pinatibay nito ang militar at pinigilan ang pag-aalsa ng mga helot
  • Ano ang mga dahilan ng pagkasira ng kabihasnang Minoan at Mycenaean?
    • Kalamidad
    • Paglusob ng mga kaaway
    • Pag-aaway
  • Ano ang tawag sa tagapagpatupad ng mga batas sa Sparta?
    Ephor
  • Ano ang nangyayari sa mga batang Spartan na itinuturing na mahina?
    Sila ay iniwan na
  • Ano ang pangunahing tungkulin ng mga babae sa Sparta?
    Mag-alaga ng tanim at bahay
  • Ano ang mga aktibidad na sinasanay ng mga babae sa Sparta?
    Gymnastics, wrestling, at pagtakbo
  • Ano ang mga pagpapahalaga ng mga Spartan sa kanilang lipunan?
    Tungkulin, lakas, disiplina, kagandahan, at kalayaan sa pag-iisip
  • Ano ang hindi pinahahalagahan ng kultura ng Sparta?
    Sining, literatura, at musika
  • Ano ang naging epekto ng estrikto at sistematikong pamamahala ng Sparta sa kanilang lipunan?
    Nagbunga ito ng isang lipunang may ekonomiya at kulturang di umunlad
  • Ano ang tawag sa sentro ng kultura at kalakalan ng Greece?
    Athens
  • Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Athens sa Sparta sa kanilang sistema ng edukasyon?
    Ang mga kalalakihan sa Athens ay hinuhubog sa pamamaraan ng pag-iisip at talento
  • Ano ang tawag sa mga batas na ipinatupad ni Draco sa Athens?
    Kodigo ni Draco
  • Ano ang layunin ng mga reporma ni Solon sa Athens?
    Upang mapabuti ang kalagayan ng mga magsasaka at manggagawa
  • Ano ang mga pangunahing reporma na inilatag ni Solon?
    1. Kinansela ang lahat ng utang at pinalaya ang mga alipin
    2. Ginawang kapaki-pakinabang ang pagsasaka
    3. Pinasigla ang industriya sa pamamagitan ng pagtuturo ng kalakalan
    4. Pinayagan ang lahat ng lalaki na dumalo sa Asambleya
    5. Gumawa ng bagong sistemang legal
  • Sino ang tinaguriang “Ama ng Demokrasya” sa Athens?
    Cleisthenes
  • Ano ang pangunahing layunin ng ostracism na ipinakilala ni Cleisthenes?
    Ang pansamantalang pagpapatapon ng isang mamamayan
  • Ano ang limitasyon ng demokrasya sa Athens?
    May mga alipin na walang tinatamasang lubos na kalayaan
  • Kailan nagsimula ang paglusob ng Persia sa Greece?
    Noong 499 BCE
  • Ano ang ginawa ni Pheidippides matapos ang laban sa Marathon?
    Takbuhin ang Athens upang ibalita ang pagkapanalo
  • Ano ang naging dahilan ng pagkamatay ni Pheidippides?
    Pagkapagod matapos ang takbo
  • Ano ang nangyari sa mga sundalong Persiano sa Thermopylae?
    Magiting na nakipaglaban si Haring Leonidas kasama ang 300 Spartan