Yunit 5 at 6

Cards (87)

  • Ano ang mga 5 makrong kasanayan sa pagsulat?
    Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat, Panonood
  • Ano ang kahulugan ng komposisyon?
    Isang sulatin na nagpapahayag ng ideya, damdamin, at impormasyon sa organisadong paraan
  • Anong mga anyo ng sulatin ang maaaring maging komposisyon?
    Sanaysay, liham, talumpati, tula, kwento
  • Ano ang layunin ng pagsulat?
    Upang maipahayag ang mga ideya sa anyo ng nakasulat na teksto
  • Ano ang mga aspeto ng pagsulat na dapat isaalang-alang?
    Tamang paggamit ng balarila, bokabularyo, at organisasyon ng mga ideya
  • Ano ang sinasabi ni W. Ross Winterowd tungkol sa proseso ng pagsulat?
    Ang proseso ng pagsulat ay kinasasangkutan ng ilang lebel ng gawain na nagaganap nang daglian
  • Ano ang sinabi ni Donald Murray tungkol sa pagsulat?
    Ang pagsulat ay isang eksplorasyon at pagtuklas sa kahulugan at porma
  • Ano ang ibig sabihin ng "Writing is rewriting" ayon kay Donald Murray?
    Ang pagsulat ay isang prosesong rekurso o paulit-ulit
  • Ano ang sinabi ni Ben Lucian Burman tungkol sa revision?

    Siya ay isang demon sa paksa ng revision at nagrerevise hanggang sa makuha ang tamang salita
  • Ano ang mga teorya sa pagsulat?
    • Ang pagsulat ay isang aktibong gawain
    • Kinasasangkutan ng marubdob na partisipasyon at imersyon
    • Ang imersyon ay maaaring:
    1. Solitari at Kolaboratibo
    2. Pisikal at Mental
    3. Konsyus at Sabkonsyus
  • Ano ang binubuo ng komposisyon?
    Ang komposisyon ay binubuo ng mga talata
  • Ano ang layunin ng panimulang talata?
    Ilahad ang paksa ng komposisyon
  • Ano ang talatang ganap?
    Matatagpuan ito sa gitnang bahagi ng komposisyon at nagde-develop ng pangunahing paksa
  • Ano ang layunin ng talata ng paglilipat-diwa?
    Magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan
  • Ano ang talatang pabuod?
    Ito ang pangwakas na talata na naglalaman ng mahahalagang kaisipan
  • Ano ang mga katangian ng mabuting talata?
    1. May isang paksang diwa
    2. May kaisahan ng diwa
    3. May wastong paglilipat diwa
    4. May kaayusan
  • Ano ang ibig sabihin ng may isang paksang diwa sa talata?
    May isang paksang pangungusap na nagtataglay ng diwa ng talata
  • Ano ang kahulugan ng may kaisahan ng diwa sa talata?
    Ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap
  • Ano ang wastong paglilipat diwa?
    Malinaw ang mga pangungusap kapag may wastong paglilipat diwa
  • Ano ang mga paraan ng wastong paglilipat diwa?
    Pagdaragdag, Pagsalungat, Paghahambing, Pagbubuod, Pagkokongklud
  • Ano ang kahulugan ng may kaayusan sa talata?
    Ang mga pangungusap ay nakaayos sa paraang nagpapalakas ng kaisipan
  • Ano ang proseso ng pagsulat?
    • Ang pagsulat ay isang komplikadong gawain
    • Walang tiyak na pormula sa pagsulat
    • Ang pamamaraan o teknik ay nag-iiba-iba depende sa mood, layunin, genre, at iba pang salik
  • Ano ang mga pre-writing activities?
    1. Pagsulat sa dyornal
    2. Brainstorming
    3. Questioning
    4. Pagbasa at pananaliksik
    5. Sounding-out friends
    6. Pag-iinterbyu
    7. Pagsasarbey
    8. Obserbasyon
    9. Imersyon
    10. Pag-eeksperimento
  • Ano ang layunin ng pre-writing activities?
    Upang makakuha ng inspirasyon o ideya bago magsulat
  • Ano ang layunin ng pagsulat sa dyornal?
    Isang talaan ng mga ideya mula sa araw-araw na pangyayari
  • Ano ang brainstorming?
    Isang mabisang paraan ng pangangalap ng opinyon at katuwiran ng ibang tao
  • Ano ang questioning sa pre-writing activities?
    Pagbabalangkas ng mga tanong tungkol sa isang posibleng paksa
  • Ano ang layunin ng pagbabasa at pananaliksik?
    Upang palawakin ang isang paksang isusulat at mangalap ng karagdagang kaalaman
  • Ano ang sounding-out friends?
    Paglapit sa mga tao upang makipagtalakayan tungkol sa isang paksa
  • Ano ang layunin ng pag-iinterbyu?
    Pakikipanayam sa isang tao o grupo tungkol sa isang paksa
  • Ano ang pagsasarbey?
    Paraan ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng talatanungan
  • Ano ang obserbasyon?
    Pagmamasid sa mga bagay, tao, o pangkat upang malaman ang mga gawi
  • Ano ang imersyon?
    Pagpapaloob sa isang karanasan o gawain upang makasulat tungkol dito
  • Ano ang layunin ng pag-eeksperimento?
    Subukan ang isang bagay bago sumulat tungkol dito
  • Ano ang mga tanong na dapat isaalang-alang sa writing stage?
    Paano ko sisimulan, aayusin, at wawakasan ang komposisyon?
  • Bakit mahalaga ang simula ng komposisyon?
    Upang makuha ang interes at kawilihan ng mambabasa
  • Ano ang mga paraan upang makakuha ng atensyon sa pagsisimula ng paglalahad?
    1. Gumamit ng serye ng mga tanong retorikal
    2. Gumamit ng pangungusap na makatawag pansin
    3. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay
    4. Gumamit ng salitaan
    5. Gumamit ng isang sipi
  • Ano ang karaniwang ginagawa bago sumulat ng isang komposisyon?
    Mag-isip ng mga bagay na may kaugnayan sa paksa.
  • Ano ang mga lohikal na tanong na dapat isaalang-alang ng manunulat pagkatapos makakuha ng paksa at datos?
    Paano ko sisimulan, aayusin, at wawakasan ang komposisyon?
  • Bakit mahalaga ang simula ng isang komposisyon?
    Ang simula ang nagtatakda kung itutuloy ng mambabasa ang pagbasa.