kakayahang diskorsal

Cards (16)

  • Ano ang pangunahing layunin ng kakayahang diskorsal?
    Ang kakayahang diskorsal ay tumutuon sa koneksyon ng magkakasunod na mga pangungusap tungo sa isang makabuluhang kabuuan.
  • Ano ang ibig sabihin ng kohisyon sa loob ng teksto?
    Ang kohisyon ay tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa loob ng teksto.
  • Paano natin matutukoy kung may kohisyon ang isang pahayag?
    May kohisyon ang mga pahayag kung ang interpretasyon ng isang pahayag ay nakadepende sa ibang pahayag.
  • Ano ang kahulugan ng kohirens?
    Ang kohirens ay tumutukoy sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya.
  • Ano ang mga uri ng kakayahang diskorsal?
    • Kakayahang Tekstuwal
    • Kakayahang Retorikal
  • Ano ang layunin ng kakayahang tekstuwal?
    Ang kakayahang tekstuwal ay ang kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba't ibang teksto.
  • Ano ang layunin ng kakayahang retorikal?
    Ang kakayahang retorikal ay ang kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon.
  • Ano ang dalawang batayang panuntunan sa pakikipagtalastasan ayon kay Grice?
    1. Ang pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag 2. Ang pakikiisa na kinapalolooban ng mga panuntunan.
  • Ano ang mga panuntunan sa kumbersasyon ayon kay Grice?
    • Kantidad: Gawing impormatibo ang ibinigay na impormasyon.
    • Kalidad: Sikaping maging matapat sa mga pahayag.
    • Relasyon: Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin.
    • Paraan: Tiyaking maayos, malinaw, at hindi lubhang mahaba ang sasabihin.
  • Ano ang layunin ng pagpapalawak ng pangungusap?
    Mahalaga ang kaalaman sa pagpapahaba ng mga pangungusap upang mas mailarawan at mailahad ang mga ideyang nais ibahagi.
  • Ano ang mga pamamaraan ng pagpapahaba ng pangungusap?
    1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga.
    2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring.
    3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento.
    4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal.
  • Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit upang pahabain ang mga pangungusap sa pamamagitan ng kataga?
    Ang tawag sa mga salitang ito ay Ingklitik.
  • Paano nakakapagpahaba ng pangungusap ang panuring?
    Nakapagpapahaba ng pangungusap ang panuring sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga salitang na at -ng.
  • Ano ang mga uri ng komplemento sa pagpapahaba ng pangungusap?
    Ang mga uri ng komplemento ay: Tagaganap, Layon, Tagatangganap, Ganapan, Kagamitan, at Sanhi.
  • Ano ang mga halimbawa ng komplemento sa pagpapahaba ng pangungusap?
    • Komplementong Tagaganap: Iwinawagayway ni Mark ang bandila.
    • Komplementong Layon: Sumayaw ng ballet si Fe.
    • Komplementong Tagatangganap: Nagpakain ng sopas para sa mga kapuspalad si Susan.
    • Komplementong Ganapan: Namasyal sa Rizal Park sina Ganda at Malakas.
    • Komplementong Kagamitan: Inikot ni Alex sa pamamagitan ng bisekleta ang buong village.
    • Komplementong Sanhi: Si Nancy ay nakapag-aral dahilan sa iskolarship grant.
  • Paano nakakapagpahaba ng pangungusap ang pagtatambal?
    Napapahaba ang isang payak na pangungusap kung gagawin itong tambalan gamit ang mga pangatnig o panimbang.