Sinaunang Roma

Cards (118)

  • Ano ang pinagmulan ng siyudad ng Roma ayon sa alamat?
    Si Mars na diyos ng digmaan ay nagkaanak ng kambal na lalaki, sina Romulus at Remus.
  • Bakit ipinatapon si Romulus at Remus sa ilog Tiber?
    Dahil sa pangamba ni Haring Amulius na baka agawin ng kambal ang kanyang kapangyarihan.
  • Ano ang nangyari sa kambal matapos silang inanod sa ilog Tiber?
    Inalagaan sila ng isang babaeng lobo at isang pastol.
  • Ano ang ginawa ng magkapatid kay Haring Amulius?
    Gumanti sila at naibalik ang trono sa kanilang lolo.
  • Saan itinayo ng magkapatid ang kanilang siyudad?
    Sa pitong burol na malapit sa Tiber River.
  • Ano ang nangyari sa pagitan ni Romulus at Remus?
    Nag-away sila at napatay ni Romulus si Remus.
  • Ano ang naging sentro ng lungsod ng Roma?
    Palatine.
  • Ano ang tawag sa tangway ng Italy?
    Korteng bota
  • Ano ang mga bundok na matatagpuan sa kahabaan ng Italy?
    Ang Apennine Mountains.
  • Ilan ang mga burol na nakatayo ang Roma?
    Pitong burol.
  • Ano ang tawag sa lupain ng mga Latin na nagtatag ng Roma?
    Latium.
  • Ano ang naging epekto ng pagdating ng mga Etruscans sa mga Romano?
    Naimpluwensiyahan nito ang mga Romano sa alpabeto, paniniwala, at kasanayan sa paggawa ng gusali.
  • Kailan pinatalsik ng mga Romano ang huling hari na Etruscan?
    Noong 509 BCE.
  • Ano ang itinatag ni Lucius Junius Brutus matapos mapatalsik ang huling hari?
    republika.
  • Ano ang ibig sabihin ng salitang Res Publican?
    "Ugnayang pampubliko" o "public affairs."
  • Ano ang mga hinaing ng mga plebeian sa republika?
    Pagkakaalipin sa utang, hindi pantay na katarungan, kakulangan sa representasyon, at kawalan ng nakasulat na batas.
  • Paano pinigilan ng mga Romano ang pang-aabuso sa kapangyarihan?
    Pumili sila ng dalawang konsul
  • Ano ang tawag sa konseho na may 300 miyembro sa republika?
    Senado.
  • Ano ang kapangyarihan ng mga konsul sa republika?
    May kapangyarihan silang mag-veto o tumanggi sa batas.
  • Ano ang tawag sa isang diktador sa panahon ng krisis o digmaan?
    Diktador.
  • Ano ang tungkulin ng isang diktador?
    Gumagawa ng batas, namumuno sa hukbong sandatahan, at may ganap na kapangyarihan.
  • Gaano katagal ang panunungkulan ng isang diktador?
    Anim na buwan.
  • Ano ang pagkakaiba ng patricians at plebeian sa sinaunang Roma?
    Ang patricians ay mga maharlika at nagmamay-ari ng malalaking lupain, habang ang plebeian ay mga manggagawa at magsasaka.
  • Ano ang mga karapatan ng patricians at plebeian sa republika?
    May parehong karapatan bumoto at magbayad ng buwis.
  • Bakit humingi ng tulong ang senado sa mga plebeian sa hukbong sandatahan?
    Dahil dumami ang kanilang kaaway tulad ng Latin, Etruscan, at Gaul.
  • Ano ang tawag sa hukbo na binubuo ng 600 sundalo?
    Legion.
  • Ano ang naging epekto ng mahigpit na pag-eensayo at disiplina sa hukbong Romano?
    Naging epektibo ang hukbo sa kanilang mga laban.
  • Ano ang nangyari sa pagitan ng Roma at Carthage mula 264 BCE hanggang 146 BCE?
    Nagkaroon ng tatlong digmaan na tinawag na Digmaang Punic.
  • Ano ang dahilan ng sigalot sa pagitan ng Carthage at Roma?
    Agawan sa Sicily at Kanlurang Mediterranean.
  • Kailan nagsimula ang Ikalawang Digmaang Punic?
    Matapos ang pagkatalo ng Carthage sa unang digmaan.
  • Sino ang heneral na pinangunahan ang hukbo ng Carthage sa Ikalawang Digmaang Punic?
    Si Hannibal.
  • Ano ang ginawa ni Scipio sa Ikalawang Digmaang Punic?
    Napilitan si Hannibal na umatras patungong Carthage matapos magapi siya sa Zama.
  • Kailan natapos ang Ikalawang Digmaang Punic?
    Noong 202 BCE.
  • Ano ang nangyari sa Ikatlong Digmaang Punic?
    Nagsimula ang Roma na salakayin at wasakin ang Carthage noong 149 BCE.
  • Ano ang nangyari sa mga naninirahan ng Carthage matapos itong wasakin?
    Pinagbili bilang alipin ang 500 na naninirahan at sinunog ang buong lungsod.
  • Sino ang namuno sa Carthage matapos itong wasakin?
    Si Scipio Aemilianus.
  • Ano ang naging epekto ng korapsiyon at katiwalian sa pamahalaan sa populasyon ng Roma?
    Lumaki ang agwat ng pamumuhay sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.
  • Ano ang tawag sa malalaking lupain ng mga mamamayan na may-ari ng lupain?
    Latifundia.
  • Ano ang naging sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga mahihirap sa Roma?
    Bunga ito ng patuloy na korapsiyon at katiwalian sa pamahalaan.
  • Sino ang nahalal bilang tribune noong 133 BCE?
    Si Tiberius Gracchus.