Fii 10 q2 maikling kwento

Cards (25)

  • Ano ang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay at kinasasangkutan ng ilang tauhan?
    Maikling kuwento
  • Ano ang pangunahing layunin ng maikling kuwento?
    Umiikot ito sa isang suliranin
  • Ano ang mga elemento ng maikling kuwento?
    1. Tauhan
    2. Tagpuan
    3. Banghay
    4. Kaisipan
    5. Suliranin
    6. Tunggalian
    7. Paksang Diwa
  • Ano ang tumutukoy sa mga panauhin sa kwento?
    Tauhan
  • Ano ang tawag sa lugar kung saan naganap ang kwento?
    Tagpuan
  • Ano ang ibig sabihin ng banghay sa maikling kuwento?

    Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
  • Ano ang mga bahagi ng banghay sa maikling kuwento?
    1. Panimula
    2. Saglit na Kasiglahan
    3. Kasukdulan
    4. Kakalasan
    5. Wakas
  • Ano ang tawag sa bahagi ng banghay kung saan nagsisimula ang kwento?
    Panimula
  • Ano ang nangyayari sa bahagi ng banghay na tinatawag na kasukdulan?
    Dito na nangyayari ang problema sa kwento
  • Ano ang tawag sa bahagi ng banghay kung saan unti-unti nang naaayos ang problema?
    Kakalasan
  • Ano ang tawag sa bahagi ng kwento kung paano nagwakas ang kwento?
    Wakas
  • Ano ang kaisipan sa maikling kwento?
    Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa
  • Ano ang suliranin sa maikling kwento?
    Ito ay tumutukoy sa problemang kinakaharap ng tauhan sa kwento
  • Ano ang tunggalian sa maikling kwento?
    Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan
  • Ano ang mga uri ng maikling kwento?
    1. Kwento ng Tauhan
    2. Kwento ng Katutubong Kulay
    3. Kwentong Bayan
    4. Kwento ng Kababalaghan
    5. Kwento ng Katatakutan
    6. Kwento ng Madulang Pangyayari
    7. Kwento ng Sikolohiko
    8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
    9. Kwento ng Katatawanan
    10. Kwento ng Pag-ibig
  • Ano ang kwento ng tauhan?
    Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
  • Ano ang kwento ng katutubong kulay?
    Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan
  • Ano ang kwentong bayan?
    Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan
  • Ano ang kwento ng kababalaghan?
    Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala
  • Ano ang kwento ng katatakutan?
    Naglalaman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak
  • Ano ang kwento ng madulang pangyayari?

    Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba sa tauhan
  • Ano ang kwento ng sikolohiko?
    Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat dahil sa kahirapan ng paglalarawan ng kaisipan
  • Ano ang kwento ng pakikipagsapalaran?
    Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran
  • Ano ang kwento ng katatawanan?
    Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa
  • Ano ang kwento ng pag-ibig?
    Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao