IMPERYALISMO: PANANAKOP NG ESPANYA SA PILIPINAS

Cards (10)

  • "Representative Colonial"
    • Pagtatalaga ng gobernador-heneral sa Pilipinas bilang punong administrator ng kolonya.
    • Pagtatalaga: batas, buwis, at importaneting desisyon.
    • Tuwirang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas: 1565 - 1898
  • "Representative Colonial"
    • Dahil sa layo: ang Biseroy (Viceroy) ng Mexico ang nangasiwa sa Pilipinas.
    • Nang makamit ang kalayaan ng Mexico: ang gobernador-heneral na ang direktang nangasiwa sa kolonya.
    • Real Audiencia - korte suprema ng Espanyol sa kolonya
  • Pamamalakad ng Kolonya:
    • Pulitikal: Reduccion
    • Pulitikal: Plaza Complex
    • Ekonomiko: Polo y Servicio
    • Ekonomiko: Sistemang Encomienda
    • Sosyo-Kultural: Paglaganap ng Katolisismo
  • Pulitikal: Reduccion
    • Sapilitang paglipat ng maliliit at magkakahiwalay na tirahan sa isang higit na malaking bayan.
    • Lumipat ang mga tao malapit sa simbahan na naging bayan o poblacion.
  • Pulitikal: Plaza Complex
    • Kinakatawan niyo ang isang pamayanan. Dito magtitipon-tipon ang bayan para sa interaksyon o pagdiriwang.
    • Kung mas malapit ang iyong tirahan sa plaza, mas makapangyarihan ka.
  • Ekonomiko: Polo y Servicio
    • Kalalakihan (edad 16-60) ay pinagtrabaho ng sapilitan sa mga proyektong pamayanan.
    • Ang falla ay ang bayad upang hindi maglingkod sa polo y servicio.
  • Ekonomiko: Sistemang Encomienda
    • Mga lupang ibinahagi sa mga Espanyol (encomiendero).
    • Lahat ng mga katutubong naninirahan sa lupa ay magtatrabaho ng 12 oras at magbibigay ng tributo.
  • Sosyo-Kultural: Paglaganap ng Katolisismo
    • Tinuro ng mga misyonerong Espanyol ang kanilang relihiyon.
    • Ibinahagi rin nila ang sining: eskultura, arkitektura, pagpipinta, at musika.
    • Nagtayo sila ng paaralan, ospital, at mga bahay ampunan.
  • Tugon ng mga Katutubo
    • Pag-aalsa (Revolt)
  • Pag-aalsa (revolt)
    • Armadong pakikibaka laban sa mananakop.
    • Nag-alsa ang iba't ibang mga katutubo sa Pilipinas.