Kakayahang Linggwistiko

Cards (13)

  • Kakayahang Linggwistiko
    • Kakayahan at kapasidad ng isang tao na bumuo at umunawa ng makabuluhang pangungusap na mayroon itong maayos at wastong pagkakabuo.
    • Kakaibat nito ang pagsunod sa iba't ibang tuntunin ng balarilang Filipino.
  • Iba't ibang Bahagi ng Pananalita
    1. Mga Salitang Pangnilalaman
    2. Mga Nominal
    3. Pangngalan
    4. Panghalip
    5. Pandiwa
    6. Panuring
    7. Pang-uri
    8. Pang-abay
    9. Mga salitang Pangkayarian
    10. Mga Pang-ugnay
    11. Pangatnig
    12. Pang-angkop
    13. Pang-ukol
    14. Mga Pananda
    15. Pantukoy
    16. Pangawing
  • Pangngalan
    Ngalan ng tao, bagay, lugar o pook, at pangyayari. Karaniwang ay ito ang nagpapahayag ng paksa
  • Panghalip
    Mga salitang inihahili o ipinapalit sa mga pangngalan.
    Halimbawa: ako siya sila ito doon
  • Pandiwa
    Ito ay tumutukoy sa mga salitang nagsasaad o nagpapahayag ng kilos. Ito ang kadalasang bumubuo o nilalaman ng panaguri sa isang pangungusap.
  • Pang-uri
    Ito ay tumutukoy ito sa mga salitang naglalarawan o nagbibiigay ng paglalarawan o pagturing sa mga pangngalan.
  • Pang-abay
    Ito ay tumutukoy sa mga salitang naglalarawan o nagbibiigay ng paglalarawan o pagturing sa mga pandiwa, pang-uri, o sa kapwa nito pang-abay
  • Pang-ugnay
    • Ito ay mga salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang salita, parirala o sugnay.
    • Halimbawa: pati, ni, ngunit, subalit, at
  • Pantukoy
    Ito ay tumutukoy sa mga salitang nauuna o nangunguna sa pangngalan at panghalip.
    • Halimbawa: si ang mga
  • Pangawing
    • Ito ay tumutukoy sa salitang ginagamit upang ikawin ang simuno at panaguri sa pangungusap.
    • Halimbawa: ay
  • Pangatnig
    • Ito ay mga salitang ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang salita, parirala o sugnay.
    • Halimbawa: pati, ni, ngunit, subalit, at dahil.
  • Pang-angkop
    • Ito ay tumutukoy sa mga salitang nag-uugnay sa mga panuring at tinuturingan.
    • Halimbawa: na, -g at -ng.
  • Pang-ukol
    • Ito ay mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan at ang ibang salita.
    • Halimbawa: sa, ng, para kay/sa, batay kay/sa, hinggil kay/sa, alinman kay/sa, at para kay/sa.