Ang mga underemployed ay ang mga taong nagtatrabaho ng part-time job.
lakas paggawa
bilang ng populasyon na edad 15-65 na may sapat na lakas, kasanayan, at maturity para sa mga gawaing pamproduksiyon sa bansa
paggawa (labor)
pisikal at mental na kakayahan o lakas ng tao upang makapaglingkod at makalikha
Sino ang mga tinatawag nating unemployed?
sinumang taong 15 taong gulang pataas na naitalang walang trabaho
kasalukuyang naghahanap ng trabaho
handang magtrabaho anomang oras
bakit hindi naghahanap ang trabaho ang ilang tao?
naghihintay ng resulta sa trabahong inaplayan
pansamantalang pagkakasakit o disability
pagod at walang trabahong mapapasukan
masamang lagay ng panahon
naghihintay ng job recall/rehire
mga dahilan ng kawalan ng trabaho
mahinang ekonomiya
kontraktuwalisasyon
kawalan ng sapat na kakayahan, kaalaman, o kasanayan sa pagtratrabaho
paglipat sa trabaho
kawalan ng interes
kapag bagsak ang ekonomiya, nagaganap ang cyclical unemployment
mababa o walang oportunidad magkatrabaho kung ang ekonomiya ng isang bansa ay bagsak o mahina. ito ay bunsod ng kaunting mga lokal at dayuhang namumuhunan sa bansa
kontraktuwalisasyon
ngunit marami sa mga kapitalista ay tinatapos ang pagtatrabaho ng mga manggagawa sa kontrata nitong may haba lamang ng lima o anim na buwan. dahil dito, natatanggal sila sa trabaho at hindi nagiging regular o di kaya'y hindi na pipirma ng panibagong kontrata upang hindi sila makatanggap ng mga benepisyo dahil ito ay nangangahulugang dagdag sa gastos sa panig ng mga kapitalista
maraming mga manggagawa ang hindi
nakakuha ng trabaho dahil sa kulang sila sa kakayahan o
kasanayan upang makapagtrabaho; dito tinitignan ang wastong
edukasyong natamo ng isang tao
ang bunsod ng
paglipat ng trabaho ay ang kalayaan sa paglipat ng kompanya
bagamat may kakayahan at kasanayan,
may mga taong mayroong mababang motibasyon sa
pagtratrabaho; ito ay maaaring dulot ng isyu sa kanilang mental
health o hindi kaya ang lanatarang pag-asa sa tulong ng iba na
tinatawag ding learned helplessness; ito ay kailanman hindi
magiging produktibo
mga sanhi ng frictional unemployment
Personal reasons
New graduates
Relocation
Employment benefits
Rejoining school
Cyclical Unemployment
produkto ng economic fluctuations na mula sa recession o economic downturns
Cyclical Unemployment
dahil mahina ang benta, karaniwang nagbababa ng produksiyon ang mga kompanya na nagreresulta sa pagtanggal ng ilang manggagawa
Structural Unemployment
nagaganap bunsod ng iba’t ibang kwalipikasyon sa trabaho tulad ng educational background at karanasan
Structural Unemployment
ibinibilang din dito ang layo ng pagtratrabuhan ng isang manggagawa
Frictional Unemployment
sinasalamin nito ang kalayaan ng
manggagawa na makapamili ng mas magandang trabaho na
makapagpapasaya sa kaniya, halimbawa na lamang ang
employment benefits na matatanggap mula sa ibang kompanya
Seasonal Unemployment
produkto ng regular, paulit-ulit, at
predictable na pagbabago (recurring changes) sa pangangailangan
sa manggagawa ng ilang industriya gaya ng paglakas ng kita ng
beach resort tuwing tag-init at mga shopping malls tuwing
kapaskuhan
mga epekto ng kawalan ng trabaho
kahirapan sa loob ng pamilya
pagkawala o pagbaba ng kalidad ng kakayahan
pagkakaroon ng mga problemang pangkalusugan
tensiyon sa pamilya o hindi pagkakaunawaan
pagtaas ng kaso ng delinquency, prostitusyon, at child labor
dagdag gastusin para sa pamahalaan sa paglaganap ng dole out mentality
pagbaba ng tiwala sa pamahalaan
mabagal na takbo ng ekonomiya
Kahirapan sa loob ng pamilya – kung mababa ang kita, mababa
ang kakayahan ng pamilya na tugunan ang mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain, bahay, damit, at marami
pang iba
Pagkawala o pagbaba ng kalidad ng kakayahan – kung hindi na
nakapagtatrabaho ang isang tao ay maaaring malimutan o
mawala ang kaniyang kasanayan, ito ay magbubunsod ng
walang kakayahan upang makakuha ng panibagong trabaho
Pagkakaroon ng mga problemang pangkalusugan – walang
kakayahang tugonan ang simpleng pagkakasakit na maaaring
humantong sa mas malalang sitwasyon ng miyembro ng pamilya
Tensiyon sa pamilya o hindi pagkakaunawaan – nagkakaroon
ng hindi pagkakasunduan ang mga miyembro ng pamilya lalo na
sa usapin ng gastusin at badyet sa pamilya lalo na’t kung walang
trabaho ang miyembro ng pamilya
Pagtaas ng kaso ng delinquency, prostitution, and child labor –
dumarami ang kaso ng mga kabataan na gumagawa ng krimen,
nasasadlak sa pagbebenta ng sariling puri, at pagtratrabaho sa
murang edad
Dagdag gastusin para sa pamahalaan sa paglaganap ng Dole
Out Mentality – hindi na magsusumikap ang mga tao dahil
natuto na silang umasa sa ibinibigay ng gobyerno; isang
halimbawa nito ang 4Ps o “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” ;
and Dole Out Mentality ay ang pagiging palaasa ng mga tao sa
programa ng pamahalaan
Pagbaba ng tiwala sa pamahalaan – ang job creation ay
pangunahing responsibilidad ng pamahalaan upang mabigyang
kabuhayan ang mamamayan; kung ito ay hindi epektibo o walang
maibigay na trabaho ang pamahalaan sa mga manggagawa ay
bababa ang tiwala ng mga ito sa mamamayan
Mabagal na takbo ng ekonomiya – sa pagbaba ng bilang ng
mga trabahador, mababa rin ang bilang ng pumapasok na pera
para sa bansa; hindi ito nakadaragdag sa national income ng bansa
Education Reform – kung magiging maayos at epektibo ang sektor
ng edukasyon sa bansa ay makapagpapatapos ito ng mga magaaral na higit na may kasanayan at may kakayahang makiangkop sa
hamon ng empleyo at daigdig
Smart Planning – pagbibigay pansin sa mahahalagang sektor ng
ekonomiya tulad ng manufacturing, tourism, agri-business, businessprocess outsourcing, telecommunications, transportation, housing, at
infrastructure
Security of Tenure – maisabatas ang mahahalagang panukala para
sa mga manggagawa tulad ng pagbibigay ng security of tenure o
karapatan ng mangagawa na hindi matanggal sa trabaho nang
walang makatuwirang dahilan at tamang proseso
Micro-Financing – dapat matutunan ng mga tao na matalinong
gamitin ang kita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng negosyo;
maari ding mamuhunan sa mga insurance companies at
kooperatiba
Labor-Intensive Industry – pagbibigay prayoridad sa mga industriya
na gumagamit ng lakas-paggawa kaysa makinarya
International Relations – upang pag-ibayuhin ang paggawa ng
trabaho para sa mga Pilipino, kailangang makipag-usap ng ating
bansa sa ibang bansa upang maisakatuparan ang adhikaing ito