Ang tekstong persweysib o tekstong nanghihikayat ay tekstong naglalayongmanghikayat na sumang ayon ang mga
mambabasa sa opinyon ng manunulat.
Inilalahad ng tekstong persweysib ang lang katotohanan tungkol sa paksa upang makumbinsi o mahikayat ng husto ang mga mambabasa. Mabibilang dito ang advertisement, sanaysay na political,editorial, brochure, catalog, at mga kauri nito.
LAYUNIN NG TEKSTONG PERSWEYSIB: Layuning textong persweysiv na maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat. (manghikayat)
ELEMENTO NG TEKSTONG PERSWEYSIB: 1. ETHOS 2. PATHOS 3. LOGOS
ETHOS: ito ay ang paggamit ng kredibilidad ng isang manunulat.
Dapat makumbinsi ng manunulat ang mambabasa na siya at
may malawak na kaalaman tungkol sa Kanyang isinusulat na
paksa.
PATHOS: ito ay tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang
mahikayat ang mambabasa. Karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang emosyon.
LOGOS: Tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa, kailangang mapatunayan ng manunulat ang impormasyon o datos sa kanyang mga mambabasa.