Bahagi ng Feasibility Study

Cards (11)

  • Deskripsyon ng Negosyo (business or project
    description)- sa bahaging ito tutukuyin ang
    ninanais o mga mungkahi na pangalan para sa
    negosyong itatayo kabilang ang mga taong
    magtatatag nito at ang inaasahang kalalabasan ng
    negosyong itatatag.
  • Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo (product
    or service description)- dito inilalarawan ang
    produkto o serbisyong nakapaloob sa negosyong
    itatayo. Maaaring ito ay pagkain, mga damit,
    gadgets, at iba pa.
  • Layunin (Goals and Purpose)-Bigyang-diin
    ang kahalagahan ng mga layuning ito at kung
    sino ang mga makikinabang. Kabilang din sa
    bahaging ito ang panahon na sisimulan ang
    pagtatayo ng negosyo hanggang sa ito ay
    matapos at maaari ng buksan sa publiko.
  • Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo (Costs
    and Funding) — [tala ang mga magagastos sa
    pagtatayo ng negosyo. Alamin ang
    kakailanganing puhunan sa mga produkto
    kabilang na ang halaga ng mailalaan sa
    isasagawang pananaliksik o feasibility study.
  • Pagsusuri ng Lugar (Market Analysis) — sa
    bahaging ito, aalamin ang lugar na nais
    maging lokasyon ng produkto at negosyong
    itatayo. Aaralin ng mananaliksik kung
    magiging malakas o mahina ang kikitain ng
    negosyo sa pipiliing lokasyon. Titiyakin ng
    pag-aaral na ito na ligtas ang seguridad ng
    produkto at mga tauhan ng isang negosyo.
  • Mga Mapagkukunan (Resources) — kilalanin ang
    mga mapagkukunan o supplier ng produkto,
    kagamitan, tulong teknikal. Gayundin ang ahensya
    na maaaring magpadala ng mga empleyado na
    kakailanganin sa negosyo.
  • Mamamahala (Management and Teams) —
    itatala ang mga maaaring mamahala o kung
    kinakailangan bang kumuha ng karagdagang
    tao sa pagpapatakbo nito. [sa-isahin ang mga
    gawain na nangangailangan ng taong
    gaganap at susubaybay sa negosyo.
  • Pagsusuri ng Kikitain (Estimated Profit) - ilalahad dito ang kikitain ng
    produkto o serbisyo sa bawat araw. Pagaaralan kung sasapat ba ang kita sa bawat araw, linggo, buwan para tustusan ang pasuweldo, upa, puhunan, kuryente, tubig, internet connection, at aktwal na kita ng may-ari.
  • Estratehiya sa Pagbebenta
    (Marketing Strategy)- ilalagay sa bahaging ito ang mga mungkahing pamamaraan na dapat tahakin upang makapanghikayat ng mga tatangkilik ng produkto o serbisyo.
  • Mga Rekomendasyon
    (Recommendations)- ibigay ang
    karagdagang impormasyon na makatutulong sa pagdedesiyon ng may- ari ng negosyo bago niya pormal na simulan ang pagtatayo nito.
  • Bahagi ng Feasibility Study
    1. Deskripsyon ng Negosyo
    2. Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo
    3. Layunin (Goals and Purpose)
    4. Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo (Costsand Funding)
    5. Pagsusuri ng Lugar (Market Analysis)
    6. Mga Mapagkukunan (Resources)
    7. Mamamahala (Management and Teams)
    8. pagsusuri ng kikitain (estimated profit)
    9. estratehiya sa pagbabenta ( marketing strategy)
    10. Mga Rekomendasyon (recommendations)