QUIZ 3

Cards (10)

  • Ano ang paglalahad?

    Nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan upang lubos na mapaunawa ang inilalahad o nais ipaabot ng sumusulat.
  • Ano-ano ang mga maaaring gamitin sa paglalahad/pagpapahayag??
    1. Pag-iisa-isa
    2. Paghahambing (magkatulad at di-magkatulad) at Pagsasalungat
    3. Pagsusuri
    4. Sanhi at Bunga
    5. Pagbibigay ng Halimbawa
  • Isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay,
    at kritiko ng kanyang panahon?
    Efren Abueg
  • Ano-ano ang mga aklat na sinulat ni Efren R. Abueg?
    Bugso, Kadipan, Mga Agos sa Disyerto, at MANUNULAT
  • Isang genre ng pasalaysay na akdang pampanitikan na umiinog
    sa paglalahad ng isang pangyayari?
    Maikling kuwento
  • Ano-ano ang mga elemento ng maikling kuwento?
    Pananaw, tauhan, tagpuan, tunggalian, banghay, at tema
  • Ano ang tula?
    Anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ipinapahayag nito ang damdamin ng isang tao.
  • Ano ang mga anyo ng tula?
    1. Malayang Taludturan - Walang sukat at walang tugma
    2. Tradisyunal - May sukat at may tugma
    3. Blangko Berso - May sukat walang tugma
    4. May tugma walang sukat
  • Ano ang mga elemento ng tula?
    1. Sukat - Bilang ng pantig
    2. Saknong - Isang grupo sa tula
    3. Tugma - Tugmaang ganap (patinig) at tugmaang di-ganap (katinig)
    4. Karikitan - Maririkit na salita
    5. Talinghaga - Mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay.
  • Ano ang pagbibigay-interpretasyon sa tula?

    Pagpapaliwanag, pagsasalin ng kahulugan, o pagbibigay ng sariling pananaw o kaisipan sa isang teksto o pahayag.