Pangkapuluang Timog-Silangang Asya (Week 5-6)

Subdecks (1)

Cards (24)

  • Ano ang dahilan ng pananakop ng France sa Cambodia?
    * Upang mapalawak ang komersyal na interes (pakikipagkalakalan) sa Timog-Silangang Asya at sa China.
  • Bakit kaya pinayagang sumailalim ang Cambodia sa France?
    Si Haring Norodom ang lumagda sa kasunduan noong Agosto 11, 1863 na nagpapasailalim ang kanilang bansa bilang protektorado sa France.
  • Heto ang mga patakaran na ipinatupad ng France sa Cambodia; nagpatupad ng paniningil ng buwis, pinanatili ang mga kaugalian ng mga mamamayan, pagtatanim ng goma, bulak at mais, at nagpatayo ng mga imprastraktura katulad ng daan, tulay, riles ng tren, at pamilihan.
  • Ano ang dahilan ng pananakop ng France sa Vietnam?
    * Mission Civilsatrice - Emperador Napoleon III (French East India Company)
    * Ipalaganap ang relihiyong kristiyanismo (katolisismo) at datos ng pang-aapi sa mga katoliko.
    * Makakuha ng mga hilaw na materyales at manggagawa.
  • Paano napasakamay ng France ang Indochina (Vietnam, Laos, at Cambodia)?

    Oktubre 17, 1887 - napasakamay ng France ang Tonkin, Annam, at Cochinchina matapos ang digmaang Sino-French.
    1893 - nakuha niya ang Laos matapos ang krisis sa pagitan ng Siam.
  • Ano ang mga pangyayari na naganap sa Vietnam sa Panahon ng Pananakop ng mga French?
    Si Emperador Tu Duc ang pumirma sa Kasunduang Saigon noong Hunyo 1862.
  • Ang Nilalaman ng Kasunduang Saigon ay; Nakuha ng France ang Saigon at probinsya sa Cochinchina, Pagbubukas ng tatlong daungang pangkalakalan, Pahintulutan ang mga misyonerong katoliko, at Pagbibigay ng bayad-pinsala.
  • Patakaran sa Pulitika na Ipinatupad ng France sa Vietnam:
    * Divide and Rule Policy - hinati ang bansa sa tatlong pays (probinsiya).
    * Nguoi Phan Quoc - mga katutubong viet na nakipagtulungan sa mga Pranses.
  • Mga Paghihirap na naranasan ng Patakaran sa Ekonomiva
    na mga Coolies sa mga Kolonyalismong Pranses
    Kinamkam ang maraming lupain at ginawang plantasyon ng goma at palay.
    · Mababang sahod
    · Kalimitang binabayaran ng bigas at hindi pera
    *15 na oras na pagtratrabaho sa mga plantasyon
    *Kalimitang walang pahinga ,pagkain at tubig
    *Pinaparusahan sa pamamapigitan ng pagpapalo o paghahampas
    *Nagkakasakit at namamatay
  • Nagpatayo ng mga minahan upang makuha ang deposito ng coal, zinc at tin ng Vietnam.
    Corvee - tawag sa sapilitang paggawa sa mga kalalakihang viet na hindi manggagawa sa mga plantasyon sa loob ng 30 na araw ng walang sahod.
  • Pagmonopolyo sa mga produktong asin, alak o rice wine, at opyo.
    Nagpatupad ng mabigat na buwis sa: sahod, pagboto ng mga kalalakihan, at paggamit ng mga panukat o timbangan ng mga produkto.
  • Nagbukas ng mga primaryang paaralan. Ipinatayo ang University of Hanoi (1902). Pagbibigay ng mga scholarship sa mga Vietnamese na mag-aral sa France.
  • Pinalitan ng mga pangalang Pranses ang mga siyudad, bayan at daan. Sinira ang mga tradisyonal na templo, pagoda, at monument at pinalitan ng arkitekturang Pranses.
  • Unang Digmaang Anglo-Burmese (1824-1826)
    Dahilan: Linusob ng Burma ang Assam na protektorado ng British.
    Bunga:
    * Natalo ang mga Burmese at nilagdaan ang Kasunduang Yandabo.
    *Nagbayad ng 250,000 na ginto at pilak.
    * Napsakamay ng British ang Arakan, Tenasserim, Manipur, at paghinto sa pagsakop sa Assam.
    * Tinanggap ang British Resident sa Ava.
  • Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese
    Dahilan:
    * Hidwaan sa kalakalan.
    * Paghahangad ng British sa puno ng teak at goma.
    Bunga:
    * Natalo ang mga Burmese dahil sa mas malakas na kagamitang pandigma ng mga British.
    * Nasakop ng British ang timog-bahagi ng Burma at napasakamay ang Probinsya ng Pegu.
  • Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese (1885-1886)
    Dahilan:
    * Pag-alis ng British Resident sa Mandalay
    * Pakikipagsundo ng Burmese sa bansang France.
    Bunga:
    * Natalo ang mga Burmese
    * Ganap na sinakop ng British ang Burma at ginawang probinsiya ng India.
  • Ano'ng bansa sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya ang nasakop ng mga Kanluranin? At sinong kanluraning bansa ang sumakop?
    * Portuguese Timor - East Timor
    * Spanish East Indies - Pilipinas
    * Dutch East Indies - Indonesia
    * French Indochina - Laos, Vietnam, Cambodia
    * British Burma, Malaya, and Bormeo - Singapore, Malaysia, Myanmar
    * Siam - Thailand
  • Ang British Resident ay isang patakarang ipinatupad sa Burma, alinsunod ay kinatawan ng pamahalaan ng England sa Burma.
  • Ang isa sa tungkulin ng British Resident ay ang pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang bansa. May karapatan siyang makipag-usap, makipagsundo, makipagkalakalan, at magdesisyon sa mga usaping panlabas ng Burma na dati ay gawain lamang ng Hari ng Burma.