Ang kumikilos o gumagalaw sa akda. Sa kanyang galaw at ugali nakasalalay ang malaking kagandahan ng akda. Kailangang siya'y maging tunay at buhay.
PROTAGONISTA
ang bida
ANTAGONISTA
ang kontrabida
PICARESQUE
ang bidang kontrabida
Uri ng katauhan
TAUHANG LAPAD at TAUHANG BILOG
Tagpuan
Tumutukoy sa oras, panahon at lugar kung kalian at saan nangyari o naganap ang kuwento.
BANGHAY
Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
PANIMULANG PANGYAYARI o SIMULA
Dito inilalahad ang paglalarawan sa tauhan, tagpuan at maaring mailahad agad ang suliranin o sulyap na suliranin Tandaan: (makikilala ang TAUHAN, TAGPUAN AT SULYAP NA SULIRANIN)
SULIRANIN/PROBLEMA
Ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa estorya.
TUNGGALIAN
Tao vs sarili, tao vs kapwatao, tao vs kalikasan, at tao vs lipunan
PATAAS NA AKSYON
Dito nagaganap ang paglalahad ng suliranin, isinasaad ang mga nagiging reaksyon o hakbang ng tauhan sa inilahad na sufranin
Tandaan: Sa bahaging ito makita problema at makikita ang reaksyon at gagawing hakbang ng tauhan sa suliranin
KASUKDULAN(CLIMAX)
Ito ang pinakamataas na bahagi at kapana-panabik na bahagi ng kuwento. May mga kuwento na ang kasukdulan ang nagging wakas ng kuwento.
PABABANG AKSYON
Dito makakita ang kakalasan Sa kakalasan nabibigyang kasagutan ang suliraning inilalahad sa kuwento, Tandaan: Sa bahaging masasagot ang lahat ng tanong na nasa isip ng mga mambabasa.
WAKAS
Ang wakas ng isang kuwento ay maaring maging masaya, malungkot, o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag na open-eded.
KAISIPAN
Ang mensahe ng maikling kuwento sa mambabasa.
Dula
ay isang uri ng panitikan. Ito ay hango sa salitang Griyego na "drama" na nangangahulugang gawin o kilos.
Elemento ng Dula
Iskrip, Dayalogo, Aktor/Karakter, Tanghalan, Direktor, Manonood, at
Tema,
Iskrip
Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip walang dula kapag walang iskrip
Dayalogo
Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
Aktor/Karakter
Ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo, sila ang nagpapakita ng iba't ibang damdamin at ang kumikilos sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
Tanghalan
Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula
Direktor
Ang nagpapakahulugan sa isang iskrip: siya ang nag-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood
Hindi maituturing na dula ang isangbinansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao, hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal, at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.
Tema
Ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan
Bahagi ng dula
Yugto/Act, Eksena/Scene, at Tagpo/Frame
Yugto/Act
Kung baga sa nobela ay kabanata. Ito ang pinakakabanatang paghahati sa dula
Eksena/Scene
Ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap.
Tagpo/Frame
Ito ay maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunodna pangyayari.
Komedya
Masaya ang tema, walang iyakan, magaan sa loob, at ang bida ay laging nagtatagumpay.
Trahedya
Malungkot ang tema na nauuwi sa isang matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida dahil sa kanyang moral na kahinaan.
Tragikomedya
Magkahalong lungkot at saya ang tema ng dula.
Melodrama
Eksaherado ang eksena, sumusobra ang pananalita, at ang damdamin ay pinipiga para lalong madala ang damdamin ng mga manonood nang sila ay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.
Parsa
Puro tawanan, walang saysay ang kuwento at ang mga aksyon ay puro "Slapstick" na walang ibang ginawa kundi maghampasan, at magbitiw ng mga kabalbalan
Parodya
Mapanudyo, ginagaya ang kakatawang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.
Proberbyo
Ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain at ang kuwento ay pinaikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.