EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Cards (39)

  • MAKATAONG KILOS
    Ayon kay Ramon B. Agapay, ang kilos ng tao ngayon ang humuhubog sa kung anong uri ng tao siya sa hinaharap.
    Ang kaniyang kilos ang patunay ng kontrol at pananagutan sa sarili.
  • Ano ang dalawang uri ng kilos ng tao?

    Kilos ng Tao (Acts of Man) at Makataong Kilos (Humane Act).
  • Ano ang Kilos ng Tao (Acts of Man)?
    Kilos na likas at hindi ginagamitan ng isip o kilos-loob. Halimbawa: pagkurap, paghikab.
  • Ano ang Makataong Kilos (Humane Act)?
    Kilos na ginagawa nang may kaalaman, malaya, at kusa. Halimbawa: pagsisinungaling, pagnanakaw.
  • Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan (Aristoteles)
    2. Kusang-Loob: Ginagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon. Halimbawa: Boluntaryong pagtulong sa kapwa.
  • Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan (Aristoteles)

    1. Walang Kusang-Loob: Ginagawa nang walang kaalaman at pagsang-ayon. Halimbawa: Hindi sinasadyang makasira ng gamit.
  • Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan (Aristoteles)

    3. Di Kusang-Loob: May kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Halimbawa: Napilitang magsinungaling dahil sa takot.
  • Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan (Aristoteles)

    Kusang-Loob, Walang Kusang-Loob, Di Kusang-Loob
  • Ano ang batayan ng mabuti o masamang kilos?

    Ang intensiyon kung bakit ito ginawa.
  • Kamangmangan
    Kakulangan ng kaalaman sa kilos.
    • Vincible: Maaring maitama.
    • Invincible: Hindi maiiwasan kahit subukan.*
  • Masidhing Damdamin
    Matinding emosyon bago o pagkatapos ng kilos.
  • Takot
    Pagkabagabag dulot ng banta sa sarili o sa iba.
  • Karahasan
    Panlabas na puwersa na pumipilit sa isang tao.
  • Gawi (Habits)

    Paulit-ulit na kilos na nagiging bahagi ng sistema.
  • Ayon kay Aristoteles, "ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti.
  • Ano ang makataong kilos?

    Ito ay kilos na bunga ng isip at kagustuhan, nagsasalamin ng ating katangian at pagpapasya.
  • Ano ang papel ng isip at kilos-loob?

    Ang isip ang humuhusga at nag-uutos, ang kilos-loob ay tumutungo sa layunin o intensyon.
  • Ano ang panloob at panlabas na kilos?

    • Panloob na kilos: Nagsisimula sa isip at kilos-loob.
    • Panlabas na kilos: Mga paraan upang maisagawa ang panloob na kilos.
  • Ano ang layunin?
    Ang panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob; ito ang pinatutunguhan ng kilos.
  • Paano hinuhusgahan ang layunin?

    Ang kilos ay hindi maaaring husgahan nang mabuti o masama kung hindi isasaalang-alang ang layunin.
  • Ano ang paraan?

    Ito ang konkretong hakbang o panlabas na kilos upang makamit ang layunin.
  • Ano ang mahalagang tandaan sa paraan?

    Hindi lamang dapat mabuti ang layunin, kundi pati ang paraan ay naaayon sa moral na pamantayan.
  • Ano ang sirkumstansiya?

    Tumutukoy sa mga kondisyon na nakadaragdag o nakababawas sa kabutihan o kasamaan ng kilos.
  • Ano ang mga halimbawa ng sirkumstansiya?

    Sino, ano, saan, paano, kailan.
  • Ano ang kahihinatnan?

    Ito ang mga bunga o resulta ng kilos, na maaaring positibo o negatibo, mabuti o masama.
  • Bakit mahalagang suriin ang kahihinatnan?

    Ito ay nagbibigay pagtatasa sa epekto ng kilos, hindi lamang sa gumagawa kundi sa mga taong apektado nito.
  • Ang mabuting kilos ay dapat mabuti sa kalikasan, motibo, at sirkumstansiya ng paggawa nito.
  • Kailan nagiging mabuti ang kilos?

    • Ginagamit ang isip upang makabuo ng mabuting layunin.
    • Isinasagawa ito gamit ang kilos-loob sa mabuting paraan.
  • Ano ang consequentialism?

    Ang kabutihan o kasamaan ng kilos ay hinuhusgahan batay sa bunga o kahihinatnan nito.
  • Ano ang prinsipyo ni Immanuel Kant?

    • "Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin."
    • Ang kilos ay mabuti kung ginagawa ito dahil nararapat, hindi dahil sa pansariling kasiyahan.
  • Balangkas ng Kautusan:
    • Universality: Kumilos nang naaayon sa prinsipyo na maaaring gawing pangkalahatang batas.
    • Reversibility: Isipin kung nais mong gawin ng iba ang ginagawa mo sa kanila.
  • Ano ang Gintong Aral?

    • "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo."
    • Kaugnay ito ng reciprocity o pagkakatugunan ng kilos at epekto sa kapwa.
  • Ayon kay Confucius:

    Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa.
  • Ayon kay Hesukristo
    " Kung ano ang ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila." (Lukas 6:31)
  • Propeta Muhammad:

    "Ninanais ng tunay na mananampalataya para sa kapwa ang nais niya para sa sarili."
  • Ayon kay Max Scheler:

    Mabuti ang kilos kung mas pinipili ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa sa mababa o negatibo.
  • Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga:
    1. Kakayahang tumatagal (timelessness or ability to endure) at manatili
    2. Mahirap o hindi mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga ( indivisibility)
    3. Lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga
    4. Nagdudulot ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan ( depth of satisfaction)
    5. Malaya sa organismong dumaranas nito
  • Ang kilos ay mabuti kung

    • Mabuti ang layunin.
    • Tama ang paraan.
    • Makabubuti sa sarili at kapwa.
  • Ang pagpapahalaga at paninindigan ay mahalaga sa bawat kilos upang ito’y maituturing na moral.