Ang Konsensiya ay panloob na pang-unawa ng tao na nag-uudyok sa kaniya na gawin ang tama at iwasan ang masama.
Ang Likas na Batas Moral ay mga panuntunan na ipinagkaloob sa tao bilang tugon niya sa kaniyang pakikibahagi sa kabutihan at karunungan ng Diyos.
Ang Kamangmangan ay kawalan ng kaalaman, pang-unawa o karunungan.
Ang Pagpapasya ay proseso ng paggawa ng desisyon o pagpili.
Ang Paghuhusga ay proseso ng pagtatasa o pagsusuri ng isang tao sa isang bagay.
KONSENSIYA
Ito ay mula sa salitang Latin na "cum" na ibig sabihin ay "with" o mayroon at "scientia", na ibig sabihin ay "knowledge" o kaalaman. Samakatuwid, ang konsensiya ay nangangahulugang "with knowledge" o mayroong kaalaman. Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa pamamagitan ng kilos na ginawa.
(1) TAMA - Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailangin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatuparan nang walang pagkakamali.
(2) MALI - Ang paghusga ng konsensiya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.
Maaaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya kung tama o mali ang isang kilos. Ngunit hindi lahat ng maling gamit ng konsensiya ay maituturing na masamang kagustuhan ng tao dahil sa KAMANGMANGAN at KAWALAN NG KAALAMAN sa isang bagay.