PAGKILALA AT PAGTUGON SA KALAMIDAD

Cards (30)

  • Ayon sa International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC), ang malubhang sakuna (disaster) ay “isang biglaan o hindi inaasahang kalamidad na may malubhang epekto sa normal na punsiyon o gawain sa komunidad, at nagdudulot din ng pagkawala ng buhay at pagkasira ng ekonomiya at kalikasan nang higit sa kakayanan ng tao na makaagapay at tumugon sa mga idinudulot na pagbabago.”
  • kalamidad ay itinuturing bilang anumang kapahamakang dulot ng bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, at maging ng sunog.
  • Sa pananaw ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) noong 2009, ang disaster risk reduction and management ay tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng isang tao sa pagharap sa mga kalamidad at kung paano mababawasan ang pinsala nito sa tao, ari-arian, at kapaligiran
  • Dalawang uri ng kalamidad: Natural hazard at man-made hazards
  • Mga natural na kalamidad:
    • Lindol
    • Bagyo
    • Daluyong
    • Pagsabog ng bulkan
    • Paglaganap ng sakit o epidemya
  • Ito ay sakunang bunga ng biglaang paggalaw ng lupa na nagdudulot ng pinsala sa mga gusali, tulay, bahay, at mga kahalintulad na estruktura?
    Lindol
  • Ito ay tumutukoy sa isang napakalaking sistema ng kaulapan at malakas na hangin na kumikilos nang paikot, na madalas ay may kasamang malakas at matagal na pag-ulan?
    Bagyo
  • Ito ay ang di normal at biglaang pagtaas ng lebel ng tubig sa dalampasigan dahil sa paggalaw ng anyong-tubig dulot ng bagyo?
    Daluyong
  • Ito ay natural na aktibidad ng isang bulkan
    Pagsabog ng bulkan
  • Ito ay tumutukoy sa paglaganap ng sakit sa komunidad?
    Paglaganap ng sakit o epidemya
  • Kalamidad dulot ng kilos at gawain ng tao:
    • Kaguluhan sa komunidad gaya ng krimen at terrorismo
    • Pagsabog dulot ng sandatang nukleyar
    • Paggmit ng nakalalasong kemikal
    • Pagtaga ng langis (oil spill
    • Cyber attack
  • cyber attack ay tumutukoy sa pagkasira, pagnanakaw, pagpapalit, o paggamit ng impormasyon ng isang indibidwal o grupo ng mga indibidwal gamit ang internet.
  • Ang oil spill ay isang kalamidad na nangyayari kapag tumagas o natapon ang langis o petrolyo sa karagatan.
  • Ito ay isang panganib na may kakayahang magdulot ng malawakang pinsala o kamatayan?
    Pagsabong dulot sa sandatang nukleyar
  • Ito ay mga pangyayaring may kinalaman sa ugnayang pantao at kalimitan ay dulot ng pagkakaiba ng interes at kagustuhan?
    Kaguluhan sa komunidad
  • Ang isang gawain na ilegal o taliwas sa ipinatutupad ng batas ay tinatawag na krimen
  • Ang tao ay marapat na gumawa ng pagkilos sa bawat aspekto ng kalamidad tulad ng paghahanda (mitigation), pagpapababa (reduction), at pamamahala ng gobyerno (management)
  • Noong 1986, nakaranas ng isang matinding kalamidad ang bansang Ukraine dahil sa pagsabog ng plantang nukleyar sa Chernobyl.
  • Lokal na pamahalaan (alkalde, gobernador, at iba pa) ay tumutukoy sa pamahalaang barangay, lungsod o munisipalidad, at lalawigan
  • National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay ang pambansang ahensiya ng pamahalaan na inatasang mangasiwa sa panahon ng kalamidad tulad ng lindol at bagyo.
  • Metropolitan Manila Development Authority o MMDA) ay ang ahensiya ng pamahalaan na nakatuon ang pagtugon sa mga sakuna sa Kalakhang Maynila
  • Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA) ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nagtataya ng kalagayan ng panahon
  • Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS) ay ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng taya, abiso, at panuntunan ukol sa mga kalamidad na may kinalaman sa mga natural na proseso at paggalaw ng lupa gaya ng lindol at pagsabog ng bulkan, at maging ng tsunami
  • National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay sektor na nangangasiwa sa suplay ng koryente sa mga komunidad.
  • Department of Social Welfare and Development o DSWD) ay ang ahensiyang ito ng pamahalaan ang nagbibigay ng agarang tulong o ayuda sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad
  • Department of Education o DepEd) ay ang ahensiyang ito ng pamahalaan ang naghahanda ng mga paaralan na maaaring maging pansamantalang tirahan ng mga nasalanta (evacuation center) sa tuwing may kalamidad sa isang komunidad.
  • Philippine Coast Guard o PCG) ay ang sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines o AFP) na may kasanayan sa pagliligtas ng mga mamamayang direktang naaapektuhan ng iba’t ibang kalamidad.
  • Philippine Red Cross (PRC) ay isang pribadong sektor na kabalikat ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong medikal sa mga mamamayan sa tuwing may mga kalamidad.
  • pagtutulungan ay nangangailangan ng kooperasyon ng bawat isa sa pamamagitan ng pagkilos at pag-aambag na nararapat para sa ikabubuti ng nakararami
  • Disiplina ay ang pagsunod sa mga batas at alituntuning ginawa ng pamahalaan ukol sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad at batay sa mga naging karanasan at sa payo ng mga eksperto sa sakuna