Mahalagang malaman mo kung paano kumilos ang konsensiya upang may kamalayan ang pag-iisip o pangangatuwiran sa isang pasya o kilos batay sa Likas na Batas Moral o hindi.
Ang Konsensiya ay kumikilos bago ang kilos (antecedent), habang isinasagawa ang kilos (concomitant), at pagkatapos gawin ang kilos (consequent).
Bago ang Kilos o Antecedent - Tinutulungan tayo ng konsensiya na suriin ang isang pasya o kilos bago ito isagawa.
Habang Isinasagawa ang Kilos o Concomitant - Tumutukoy ito sa kamalayan ng isang tao sa pagiging mabuti o masama ng isang kilos habang isinasagawa ito.
Pagkatapos Gawin ang Kilos o Consequent - Ito ang proseso ng pagbabalik-tanaw o pagninilay sa isang pasya o kilos na naisagawa.