Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan

Cards (15)

  • Pagkakaroon ng Pagsasarili at Pagtibay ng Wika
    • Simula noong Hulyo 4, 1946, ang Pilipinas ay naging ganap na malaya, at ang wikang opisyal ng bansa ay naging Tagalog at Ingles ayon sa Batas Komonwelt Bilang 570.
  • Pagbangon mula sa Digmaan
    • Ang bansa ay nakatutok sa pagbangon mula sa epekto ng digmaan at ang impluwensiyang pang-ekonomiko at panlipunan ng mga Amerikano ay nanatili.
  • Pagpapalit ng Tawag sa Wikang Pambansa (1959)
    • Mula sa Tagalog, ang wikang pambansa ay tinawag nang Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) na ipinalabas ni Jose B. Romero, Kalihim ng Edukasyon. Noong Agosto 13, 1959
    • Pagpapalaganap ng Wikang Pilipino
    • Noong 1963, ipinag-utos ni Kalihim Alejandro Roces na ang mga sertipiko at diploma ay ipalimbag na sa Pilipino noong taong aralan 1963-1964
    • At ang pambansang awit ay awitin sa Pilipino. Batay sa Kautusasng Tagapagpaganap Blg 60 s. 1963 na nilagdaan ni Pres. Diosdado Macapagal
  • Pagpapalaganap ng Wikang Pilipino sa mga Opisyal na Dokumento
    • Noong 1967, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na gamitin ang Pilipino sa mga pangalan ng mga gusali, tanggapan, at mga dokumento ng pamahalaan.
  • Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968)
    • Nag-uutos na ang mga ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino, na nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap.
  • Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968)
    • Inatasan ang mga kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar tungkol sa Pilipino, na pinangungunahan ng Surian ng Wikang Pambansa.
  • Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974)
    • Pinagtibay ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Patakarang Edukasyong Bilingguwal, na nag-aatas sa mga paaralan na ituro ang parehong Filipino at Ingles. Noong Hulyo 19,1974. sa Pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel
  • Saligang Batas ng 1987
    • Inilatag sa Saligang Batas ng 1987 ang mga patakaran ukol sa wika. Ayon sa Seksyon 6, ang Filipino ang wikang pambansa, at ang Ingles ang wikang opisyal. Ang mga wikang panrehiyon ay itinuturing na pantulong na mga wikang opisyal. Sa pag-upo ni Corazon Aquino
  • Executive Order No. 335 (1988)
    • Ipinag-utos ni Pangulong Corazon Aquino ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at transaksiyon sa pamamagitan ng Executive Order No. 335.
    • ito ay "Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaang magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya."
  • Executive Order No. 210 (2003)
    • Noong 2003, ipinag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na bumalik sa paggamit ng Ingles bilang pangunahing wikang panturo sa mga paaralan, na nagdulot ng kalungkutan sa mga tagapagtaguyod ng Filipino.
  • Patuloy na Pagsulong ng Wikang Filipino
    • Sa kabila ng mga sagabal, ang paggamit ng Filipino ay patuloy na lumalaganap, lalo na sa komiks, pelikula, telenobela, radyo, at telebisyon.
  • Kapasiyahan Blg. 13-39 (2013)
    • Noong ika-5 Agosto 2013, ipinahayag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na ang Filipino ay isang buhay na wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon at nililinang sa iba't ibang antas ng talakayang akademiko.
  • Pagyamanin ang Wikang Filipino
    • Ayon sa KWF, patuloy na yayaman ang Filipino sa pamamagitan ng araw-araw na paggamit nito at sa pagtuturo sa mga paaralan at sa mga gawaing pangkultura.
  • Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969)
    Iniutos ni Pangulong Marcos ang paggamit ng Pilipino sa opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.