Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Cards (9)

  • 1992 SWS Survey:
    • 18% lamang ng mga Pilipino ang may ganap na kahusayan sa Ingles; karamihan sa kanila ay lumaki sa Amerika.
  • 1995 SWS Survey:
    • 2/3 ng mga Pilipino ang nagsabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino:
    • 71% Luzon
    • 55% Visayas
    • 50% Mindanao
    • 73% ng mga Pilipinong ABC (mayayaman at nakakaangat) ang sumasang-ayon na mahalaga ito.
    • 1998 SWS Survey:
    • Unang wika sa tahanan ng mga Pilipino:
    • 35% Filipino
    • 24% Cebuano
    • 11% Ilonggo
    • 8% Kapampangan
    • 5% Ilokano
    • 1% Ingles
  • Sitwasyong Pangwika sa Iba't Ibang Larangan
    1. Telebisyon
    2. Radyo at Diyaryo
    3. Pelikula
    4. Malikhaing Gamit ng Wika
  • Telebisyon
    • Filipino ang nangungunang midyum sa bansa.
    • Ang exposure sa telebisyon ay nagtuturo ng Filipino bilang unang wika kahit sa mga lugar na hindi Tagalog.
    • Ang wikang Filipino sa telebisyon ay malaki ang impluwensya sa iba’t ibang probinsya.
  • Radyo at Diyaryo
    • Radyo:
    • Filipino ang nangungunang wika sa AM at FM stations.
    • Panrehiyonal na radyo: lokal na diyalekto ang pangunahing gamit, pero Filipino kapag kinakailangan.
    • Diyaryo:
    • Ingles sa broadsheet; Filipino sa tabloid.
    • Mas binibili ang tabloid dahil sa mas murang presyo at mas naiintindihan ng masa.
  • Pelikula
    • Bagamat maraming banyagang pelikula, Filipino ang midyum ng lokal na pelikula na tinatangkilik sa bansa.
    • Ingles pa rin ang pamagat ng karamihan sa mga pelikulang Pilipino.
  • Malikhaing Gamit ng Wika
    • Fliptop:
    • Modernong bersyon ng Balagtasan; hindi gumagamit ng pormal na wika.
    • Popular sa kabataan, ginaganap sa wikang Filipino, at napapalaganap sa YouTube.
    • Pick-up Lines:
    • Nakakatuwa at nakakakilig na pahayag, karaniwang ginagamit ang Filipino, Ingles, o Taglish.
    • Sikat sa social media at usapan ng kabataan.
    • Hugot Lines:
    • Linya ng pag-ibig o damdamin na karaniwang ginagamit sa Filipino o Taglish.
    • Nagmula sa linya ng mga tauhan sa telebisyon o pelikula.
  • Kahalagahan ng Wikang Filipino
    • Ang wikang Filipino ay patuloy na umuunlad at lumalago kasabay ng modernisasyon.
    • Malaki ang impluwensya ng teknolohiya, media, at kultura sa pagpapalaganap at malikhaing paggamit ng wika.
    • Nagiging instrumento ang Filipino sa pagkakaisa, identidad, at komunikasyon sa bansa.