Ang pagbaha ay isang matinding suliraning pampamayanan. Ito ay dulot ng pagbabara ng mga kanal at daluyan ng tubig. Dati, ang Malabon, Valenzuela, Kalookan, at Navotas lamang ang mga lugar na laging lumulubog sa tuwing may baha. Ito ay dahil sa mabababa ang elebasyon ng mga naturang lungsod, at malapit sila sa anyong-tubig.