globalisasyon ay karaniwang binibigyang-kahulugan bilang ugnayan, pagsasama-sama, at pagtutulungan ng iba’t ibang indibidwal, sektor, at mga bansa sa mundo.
globalisasyon ay tumutukoy sa pagpapaliit ng mundo sa pamamagitan ng pinabuting ugnayan ng mga tao gamit ang teknolohiya, makabagong pamamaraan ng komunikasyon, at iba pang sistema na naglalapit sa mga tao at estado
Ayon kay David Held (2002), isang dalubhasa sa usaping politika at ekonomiya, ang globalisasyon ay nagpapabilis sa kilos at gawa ng tao.
Katangian ng Globalisasyon:
Ang globalisasyon ay karaniwang iniuugnay sa mga pandaigdigang usapin.
Ang globalisasyon ay nagbibigay-diin sa usapin ng kalayaan ng mga bansa, lipunan, at ng mga tao
Ang globalisasyon ay naghahatid ng modernisasyon sa iba’t ibang pamayanan sa mundo
Ang pag-usbong ng mga multinasyonal na korporasyon gaya ng Shell na nakabase sa Hague, Netherlands at Nestle sa Vevey, Switzerland, ay bunga ng globalisasyon.
Epekto ng globalisasyon:
malaking hamon sa bawat estado dahil sa hatid nitong impluwensiya sa mga polisiya, batas, at alituntunin ng mga ito
patuloy na bumabago sa lipunan ng mga bansa
magdulot ng paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalawig ng pagkonsumo at paggawa.
maaaring magdulot ng pagkasira ng kapaligiran dahil sa labis na paggamit ng likas na yaman
UN ay ang organisasyon na nakatutok sa politikal na ugnayan ng mga bansa. Ito ang samahan ng mga bansa sa mundo na nagtataguyod ng kaayusan at matiwasay na ugnayan ng mga bansa
World Trade Organization ay samahan na layuning magtaguyod ng kalakalan sa mga bansa sa mundo. Ito ang pangunahing institusyon na tumatalakay sa lahat ng usapin, polisiya, at hidwaan ng mga bansa pagdating sa kalakalan
World Bank naman ay isang organisasyong ekonomiko at politikal na nagtataguyod ng polisiyang pangkaunlaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal, pagpapautang, at pagbabahagi ng teknikal na kaalaman at polisiya sa mga miyembrong bansa
World Health Organization ay institusyon na nangangalaga sa kalusugan at usaping medikal ng mga bansa sa mundo. Ito rin ang may tungkulin na magsagawa ng mga pananaliksik upang matugunan ang usaping pangkalusugan at medikal sa mundo
pamahalaan ay may tungkulin na makibahagi sa mga alituntunin at programa ng mga pandaigdigang organisasyon kung saan ito kasapi sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas
Ang paaralan ay isang kongkretong panlipunang institusyon na may direktang impluwensiya sa kaisipan ng mga mag-aaral ukol sa usapin ng globalisasyon.
Mga Multinasyonal na Korporasyon ay tumutukoy sa mga kompanyang may mga estasyon at planta sa iba’t ibang panig ng mundo
Ang social at mass media ay siyang itinuturing na pinakamabilis na mekanismo o paraan ng pagyakap ng impluwensiya at pagkalap ng impormasyon at kaalaman na mula sa iba’t ibang bansa
Ang mga samahangsibiko o mas kilala sa pangkalahatang tawag na nongovernment organizations (NGOs) ay nakatutulong sa pagpapalawig ng globalisasyon sa pamamagitan ng kanilang mga adhikain