Salik na Nakaaapekto sa Suplay

Cards (16)

  • Pag-unlad ng teknolohiya
    Ito ay nakapagpapataas ng antas o dami ng produksyon dahil napapadali nito ang paggawa ng produkto.
  • Pagbabago sa inaasahang presyo o ekspektasyon ng mga negosyante
    Kapag ang ispekulasyon sa presyo ay pataas, magsasagawa ang mga negosyante ng hoarding o pagtatago ng produkto.
  • Buwis na itinakda ng pamahalaan
    Ang mataas na buwis ay nakapagpapababa ng dami ng produksyon dahil sa pagtaas ng materyales.
  • Subsidiya mula sa pamahalaan
    Ang subsidiya ay ang pinasyal na tulong mula sa pamahalaan kung saan napabababa nito ang gastos sa produksyon ng mga negosyante.
  • Pagbabago sa bilang o dami ng mga negosyante
    Ang pagdami ng bilang ng mga negosyante ay nagdudulot ng pagtaas ng suplay.
  • Importasyon ng mga kalakal
    Ito ay karaniwang ginagawa sa panahon na may kakulangan sa lokal na ekonomiya ng bansa.
  • Presyo ng materyales sa produksyon
    Ang mataas na gastusin sa produksyon ay nagpapababa sa dami ng suplay mula sa mga negosyante.
  • Presyo ng ibang kalakal
    Nakaaapekto ang presyo ng ibang kalakal na maaaring ipamalit.
  • Mga kalamidad
    Humihinto at bumababa ang produksyon kapag sobra ang pinsala ng mga kalamidad.
  • Dami ng Nagtitinda
    Ang dami ng nagtitinda ay isang palatandaan ng maraming suplay ng produkto.
  • Contraction
    nangyayari kapag nababawasan ang presyo o suplay ng kalakal
  • Dalawang uri ng paglipat ng kurba ng suplay
    • paglipat pakanan / rightward shift ng kurba
    • paglipat pakaliwa / leftward shift ng kurba ng suplay
  • paglipat pakanan o rightward shift ng kurba ng suplay
    • kapag ang tumataas ang suplay dahil sa mga non-price determinants
    • Ibig sabihin nito, sa kahit anong presyo, mas maraming produkto ang handang ipagbili ng mga negosyante.
  • paglipat pakaliwa o leftward shift ng kurba ng suplay
    • kapag bumaba ang suplay dulot ng mga non- price determinants.
    • Ibig sabihin, sa kahit anong presyo, mas kaunting produkto ang handang ipagbili ng mga negosyante.
  • Mga Dahilan sa Pagkakaroon ng Rightward Shift
    • pagbaba ng buwis
    • pagpapaunlad ng teknolohiya
    • pagbabawas sa kabuuang halaga o gastos sa produksyon
    • mabuting lagay ng kapaligiran
    • inaasahang pagbaba ng presyo ng bilihin sa hinaharap
  • Suplay
    • tuwirang naaapektuhan ng pagbabago sa presyo ng produkto at serbisyo.
    • Ngunit mayroon mga non-price determinants o mga salik na walang kinalaman sa presyo na maaaring makapagpabago nito.