Ito ay ang kagustuhan at kakayahan ng prodyuser na magtinda ng partikular na produkto o serbisyo sa isang takdang panahon.
QUANTITY SUPPLIED
Tawag sa dami ng nais ibenta ng prodyuser sa isang itinakdang presyo.
TUBO
Tumutukoy sa kung ano ang matitira sa kita matapos ibawas ang lahat ng ginastos sa paggawa ng produkto o serbisyo.
BATAS NG SUPLAY
Isinasaad ng batas ng supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa Quantity Supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili.
Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili
Dalawang paraan upang matukoy ang relasyon ng presyo sa suplay
Supply Schedule
Supply Curve
Supply Schedule
Ang supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo.
Supply Curve
Isang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity supplied sa pamamagitan ng isang dayagram o graph.
Isang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity supplied sa pamamagitan ng isang dayagram o graph.
MARKET SUPPLY
Tawag sa pagsasama-sama ng mga suplay ng bawat indibidwal sa bahay-kalakal.
Supply Function
Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.