FIL Q2 EXAM (Based sa Reviewer)

Cards (60)

  • Ano ang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng tayutay?
    Tula
  • Ano ang mga bahagi ng tula?
    Binubuo ito ng mga saknong at taludtod
  • Ilan ang karaniwang pantig sa mga taludtod ng tula?

    Wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, lalabing-waluhing pantig
  • Ano ang mga anyo ng tula?
    1. Tradisyunal
    2. Berso Blangko
    3. Malayang Taludturan
  • Ano ang katangian ng tradisyunal na tula?
    May sukat, tugma, at malalim na kahulugan
  • Ano ang berso blangko?
    Tulang may sukat ngunit walang tugma
  • Ano ang malayang taludturan?
    Tulang walang sukat at walang tugma
  • Ano ang kahulugan ng talinhaga ayon kay Roberto Añonuevo?
    Diwa o buod na nilalaman ng tula
  • Paano nahahati ang talinhaga ayon kay Lope K. Santos?
    Sa mababaw at malalim na talinhaga
  • Ano ang haraya sa tula?
    Paggamit ng masining na pananalita na lumilikha ng imahen
  • Sino ang kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Filipino”?
    Alejandro G. Abadilla
  • Ano ang halimbawa ng tulang may malayang taludturan?
    Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla
  • Ano ang mga elemento ng tula?
    1. Sukat
    2. Tugmaan
    3. Talinghaga
    4. Larawang diwa
    5. Damdamin
  • Ano ang sukat sa tula?
    Bilang ng saknong, taludtod, at pantig
  • Ano ang tugmaan sa tula?
    Pagkakasintunog ng mga huling pantig
  • Ano ang talinghaga sa tula?
    Mga salitang malalim at may nakatagong kahulugan
  • Ano ang larawang diwa sa tula?
    Nabuong imahe na nagpatingkad sa mensahe
  • Ano ang damdamin sa tula?
    Emosyong pinalutang sa akda
  • Ano ang mga elemento ng sanaysay?
    1. Tema at Nilalaman
    2. Anyo at Istraktura
    3. Kaisipan
    4. Wika at istilo
    5. Larawan ng Buhay
    6. Damdamin
    7. Himig
  • Ano ang tema at nilalaman sa sanaysay?

    Tumutukoy sa paksa at layunin ng sanaysay
  • Ano ang anyo at istruktura sa sanaysay?
    Maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya
  • Ano ang kaisipan sa sanaysay?
    Mga ideyang kaugnay sa tema
  • Ano ang wika at istilo sa sanaysay?
    Simple, natural, at matapat na pahayag
  • Ano ang larawan ng buhay sa sanaysay?
    Masining na paglalahad gamit ang sariling himig
  • Ano ang damdamin sa sanaysay?
    Naihahayag na may kaangkupan at kawastuhan
  • Ano ang himig sa sanaysay?
    Naipapahiwatig ang kulay ng damdamin
  • Ano ang mga bahagi ng sanaysay?
    1. Simula (Introduksyon)
    2. Gitna (Katawan)
    3. Wakas (Konklusyon)
  • Ano ang simula sa sanaysay?
    Unang bahagi na nakakakuha ng atensyon
  • Ano ang gitna sa sanaysay?
    Bahagi na naglalaman ng mga ideya
  • Ano ang wakas sa sanaysay?
    Bahagi na naglalaman ng pangwakas na salita
  • Ano ang mga uri ng sanaysay?
    1. Pormal
    2. Di-Pormal
  • Ano ang pormal na sanaysay?
    Nangangailangan ng puspusang pananaliksik
  • Ano ang di-pormal na sanaysay?
    May kalayaan ang manunulat sa talakayan
  • Ano ang pangunahing at pantulong na kaisipan?
    • Pangunahing kaisipan: diwa ng buong teksto
    • Pantulong na kaisipan: sumusuportang ideya
  • Ano ang pangunahing kaisipan sa teksto?
    Diwa ng buong teksto na nagbibigay pahiwatig
  • Saan kadalasang matatagpuan ang pangunahing kaisipan?
    Sa unang pangungusap ng talata
  • Ano ang halimbawa ng pangunahing kaisipan?
    Ang tao ay espesyal na nilikha ng Diyos
  • Ano ang nilalaman ng isang teksto?
    Mahahalaga at tiyak na detalye
  • Paano napapalawak ang paksa ng isang teksto?
    Sa tulong ng mga ideyang sumusuporta rito
  • Ano ang dalawang bahagi ng teksto?
    Pangunahing kaisipan at pantulong na ideya