Cards (9)

  • Imperyalismo - galing sa salitang Latin na imperium o command; isang sistema ng pananakop kung saan ang isang makapangyarihang estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliit at mahihinang estado.
    PAMAMARAAN NG PANANAKOP: digmaan, kasunduan.
  • Kolonyalismo - galing sa salitang Latin na colonus o magsasaka; tumutukoy sa pagkontrol o direktang pamamahala ng dayuhang bansa sa pamahalaan at ekonomiya ng mahihinang bansa.
    PAMAMARAAN NG PANANAKOP:
    *Nakikipagkaibigan at nakikipagkalakalan.
    *Kapag nakuha ang loob, pagsamantalahan at pakikinabangan ang likas na yaman.
    *Itatag ang pamahalaang kolonya.
    *Magtatakda ng buwis at magpapatupad ng batas na makabubuti sa kanila.
  • Tuwiran o Direct Control - direktang pinamumunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa.
  • Di-Tuwiran o Indirect Control - pinanatili ang mga katutubong pinuno ng mahihinang bansa na may limitadong kapangyarihan at ang huling desisyon ay nasa kapangyarihan ng mga mananakop.
  • Colony o Kolonya - direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng mga imperyalistang bansa ang kanilang nasakop.
  • Protectorate o Protektorado - Pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan.
  • Economic Imperialism - Kung saan kontrolado ng mga pribadong kompanya o dayuhang mamumuhunan ang mga mahihinang bansa.
  • Sphere of Influence - Tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin.
  • Concession - Nagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa na may ekslusibong karapatan para sa kanilang pansariling interes.