Ang bawat tao, hindi alintana ang kasarian, pinagmulan, katayuan sa lipunan, wika, edad, relihiyon, nasyonalidad, ay may pananagutan na pakitunguhan ang lahat ng tao sa makataong pamamaraan.
2
Ang lahat ng tao ay may pananagutan na pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at pagpapahalaga sa sarili at kapuwa.
3
Ang bawat tao ay may pananagutang itaguyod ang mabuti at maiwasan ang kasamaan sa lahat ng bagay.
4
Anglahat ng tao na pinagkalooban ng katwiran at budhi ay may pananagutan sa lahat, sa pamilya at lipunan, sa lahi, bansa at relihiyon.
5
Ang lahat ng tao ay may pananagutang igalang ang buhay. Walang sinuman ang maaaring kumitil sa buhay ng tao. Sa mga pahayagan, may mga balita tungkol sa mga bagong panganak na sanggol na iniiwanan sa pusali, sa basurahan, o hindi kaya sa pinto ng mga simbahan.
6
Ang bawat tao ay may pananagutang kumilos nang may integridad, katapatan at pagkamakatarungan.
7
Ang lahat ng tao na pinagkalooban ng sapat na kakayahan ay may pananagutan na magsumikap upang mapaglabanan ang kahirapan, pagkagutom, kamangmangan at hindi pagkapantay-pantay. Marapat lamang na itaguyod nila ang pagpapaunlad sa buong mundo ng sa gayon ay matiyak ang dignidad, kalayaan, seguridad at katarungan sa lahat.
8
Ang lahat ng tao ay may pananagutan na paunlarin ang kanilang talento sa pamamagitan ng masigasig na paggawa. Ang lahat ay kinakailangan magkaroon ng patas na pribilehiyo na makapag-aral at "pagkakaroon ng makabuluhang trabaho/hanapbuhay." Ang lahat ng tao ay handang tumulong sa mga aba, may kapansanan at biktima ng diskriminasyon
9
Ang lahat ng tao ay may pananagutan na magsalita at kumilos nang may katapatan.
10
“Ang kalayaan sa pamamahayag ay dapat gamitin nang may responsabilidad at masusing pagpapasya”. Ang kalayaang ito ay nagdadala ng namumukod-tanging pananagutan para sa isang wasto at matapat na pag-uulat. Kailangang iwasan ang dramatikong pag-uulat na nagpapababa sa dignidad ng tao.
11
Ang kalayaang panrelihiyon ay nararapat bigyang katiyakan kaya naman ang mga kumakatawan sa bawat relihiyon ay may pananagutan na iwasan ang pahayag na may kinikilingan at diskriminasyon patungkol sa ibang pananampalataya.
Beato Juan Pablo II
huwarang halimbawa ng 11
maglakbay sa iba’t ibang panig ng daigdig para makipagkilala
makihalubilo sa taong may iba’t ibang relihiyon.
Sa panahon niya ay nagkaroon ng pagtitipon-tipon na dinaluhan ng maraming mananampalataya. Ito ay ang Pandaigdigang Araw ng Pananampalataya para sa Kapayapaan kung saan ang lahat ay sama-samang nanalangin at nag-ayuno.
12
Ang bawat lalaki at babae ay may pananagutang ipakita ang paggalang sa isa’t isa. Walang sinuman ang magsasailalim ng ibang tao sa pananamantalang sekswal o dependensiya. Sa halip, ang magkabiyak ay dapat tanggapin ang responsabilidad na kalingain ang bawat isa.
13
Ang pagpaplano ng pamilya ay pananagutan ng mag-asawa. Ang ugnayan sa pagitan ng magulang at mga anak ay dapat magpakita ng pag-ibig, paggalang, pagpapahalaga at pagmamalasakit. Walang magulang o ibang nakatatanda ang mananamantala at mang-aabuso ng bata.
Peter Parker o si Spider-man
"With great power comes great responsibility”
InterAction Council
independiente at pandaigdigang samahan na naglalayong patatagin ang pandaigdigang pagdadamayan ang nagmungkahi ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng Tungkulin ng Tao (Universal Declaration of Human Responsibilities) sa United Nations.
Ang pagpapahayag ay nagsumikap na tapatan ng kaakibat na tungkulin ang mga nabanggit na karapatang pantao.