Ang opyo ay halamang gamot na itinatanim sa Timog Asya na kapag inabuso ay nakasasama sa kalusugan. Ito ay kinukuha ang dagta o sap at ibinibilad saka ibebenta.
Unang Digmaang Opyo (1839-1842) - Pagkumpiska at pagsunog sa opyo na nakuha mula sa isang barkong pagmamay-ari ng mga British.
Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860) - Hinuli ng mga awtoridad ng Tsina ang mga tsinong crew sa barko ng pag-aari ng mga British at sumali ang France dahil sa 'di umano'y pagpatay sa isang misyonerong Pranses sa China.
Extraterritoriality - Sino mang British ang magkasala sa Tsina ay hindi maaaring litisin sa korte ng mga Tsino kundi sa korte ng mga British.