Kolonisasyon ay ang pagtatatag ng isang bansa sa isang teritoryo ng ibang bansa upang mapangasiwaan at mapakinabangan ang mga likas na yaman nito.
Ang ebanghelisasyon ay tumutukoy sa pagpapalaganap ng isang relihiyon, partikular na ang Kristiyanismo, sa isang partikular na lugar o kultura.
Sino-sino ang bumubuo sa Pamahalaang Espanyol?
Hari ng Espanya, Gobernador-Heneral, Corregidor, Alkalde Mayor, Gobernadorcillo at Cabeza de Barangay.
Kristiyanismo - Ito ang relihiyon na pagpapalaganap ng mga Espanyol noong panahon pa nila.
Polo Y Servicio - Ito ang sapilitang paggawa ng mga kalalakihang nasa edad na 16-60 taong gulang sa loob ng 40 araw.
Reduccion - paglipat ng mga katutubo mula sa malalayong lugar patungo sa pueblo.
Monopolyo - pagkontrol ng mga Espanyol sa kalakalan.
Tributo o Tribute - sapilitang pagbabayad ng buwis ang mga katutubong nasa edad na 18-50 taong gulang sa pamahalaang Espanyol.
Bandala - sapilitang pagbebenta ng mga produkto sa mga Espanyol.
Culture System o Cultivation System - inatas ng mga Dutch ang mga Indones na ilaan ang sanlimang bahagi ng lupain o 66 na araw para sa pagtatanim ng mga produktong panluwas katulad ng asukal, kape, at indigo.