CO6

Cards (25)

  • Isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito
    Pananaliksik ayon kay Good, 1963
  • Isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.
    Pananaliksik ayon kina Manuel at Madel, 1976
  • Tanong na may kagyat na solusyon o aplikasyon ayon sa sitwasyon at suliranin
    Hal: Paano patitibayin ang bubong ng bahay?
    Praktikal na tanong
  • Humihingi ng palagay o pagpapalagay tungkol sa isang bagay o sitwasyon
    Hal: May ikalawang buhay ba matapos mamatay ang tao?
    Espekulatibo o pilosopikal na tanong
  • Sinasagot batay sa panahon o pagkakataon kung kailan ito naganap o itatanong
    Hal: Uulan ba bukas?
    Panandalian o tentatibo o mga tanong na batay sa prediksyon o probabilidad
  • Umuusisa o sumisiyasat sa isang pangyayari o sitwasyon
    Hal: Paano nalason ang matandang babae?
    Imbestigatibong tanong
  • Umiikot sa paksang tumatalakay sa isang disiplina ng pag-aaral
    Hal:
    SIKOLOHIYA NG WIKA: Ano ang naibubulalas ng taong bugnutin?
    EKONOMIKS: Ano ang totoong halaga ng perang padala ng mga OFW sa bansa?
    BIOLOGY: Mabubuhay ba ang halaman sa planetang Mars? Paano?
    Disiplinal na tanong
  • Interes ng mananaliksik. Bukal sa kaniyang kalooban. Limitado sa panahong ilalaan.
    Pagpili ng Paksa
  • Pagpapahayag ng layunin
    May panimulang layinin na nagsasaad ng pangunahing ideya o tesis ng sulatin
  • Listahan ng mga nakalap na sanggunian. (May-akda, paksa, at amagat ng materyal)
    Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
  • Nagsisilbing gabay o daloy ng sulatin. (A. Balangkas na papaksa B. Balangkas na pangungusap C. Balangkas na Patalata)
    Paggawa ng pansamantalang balangkas
  • Pakikipanayam, focus group discussion, o sarbey. Maaaring gumamit ng pangunahin at sekundaryang sanggunian.
    Pangangalap ng mga Datos
  • Maaaring magtanggangal o magdagdag ng mga datos o sanggunian. Gabay ito sa pagsulat ng unang burador
    Ang Pinal na Balangkas
  • Pagtatanggal o pagdaragdag ng datos o pagbabago ng daloy ng pagtalakay sa papel o akda.
    Pagsulat ng Burador at Pagwawasto
  • Kabuoang paliwanag hinggil sa nais sabihin ng mananaliksik.
    Pagsulat ng Kongklusyon
  • Manggaling ang paksa sa mismong estudyante/mag-aaral
    May Sense of Ownership ang mga mananaliksik
    Pag-iisip ng paksa
  • Binubuo ng isa o dalawang pangungusap lamang na nagsasaad ng pinakamahalagang ideya ng pananaliksik
    Pangunahing ideya (tesis) ng pag-aaral
  • Sumasagot sa tanong na “Ano ang nais makamit ng mga mananaliksik?”
    Layunin kung bakit pinili ang paksa
  • Paglalahad ng patanong na layunin ng Pag-aaral
    Suliranin ng pag-aaral o paglalahad ng problema
  • Naglalahad ng mga pangunahing sanggunian at mga kaugnay na pagaaral na gagamitin sa pagsulat ng pananaliksik
    Paglalahad ng magkakaugnay na pag-aaral
  • Proseso ng pagsasagawa ng pangangalap ng datos. Kinapapalooban ng mga sistema, dulog o lapit upang makakalap ng mga impormasyon
    Metodolohiya
  • Gumagabay sa interpretasyon ng mga datos
    Teorya o dalumat
  • Ipinaliliwanag ang saklaw at hangganan ng pag-aaral
    Sakop at limitasyon
  • Lohikal na presentasyon ng datos at resulta.
    Pagtalakay sa resulta ng pananaliksik
  • Nagsasaad ng buod ng pag-aaral. Tinatalakay ang naging tugon sa mga suliraning inihain sa pag-aaral.
    Kongklusyon