M3: Tekstong Persuweysib

Cards (16)

  • Tekstong Persuweysib
    • ay naglalayong makapangumbinsi o makapanghikayat sa tagapakinig, manonood o mambabasa.
  • Tekstong Persuweysib
    • Ito ay pagbibigay ng opinion ng mga may-akda o nagsasalita para mahikayat ang kanilang kausap.
    • Ang tono ng tekstong ito ay subhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ideya.
  • 3 Elemento ng panghihikayat ayon kay Aristotle:
    1. Ethos
    2. Pathos
    3. Logos
  • Pathos
    • Pagamit ng emosyon ng mambabasa.
    Hal. Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
  • Logos
    • Paggamit ng lohika at impormasyon.
    Hal. Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na iyon ay makakaputi.
  • Propaganda Devices
    • ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto.
  • Mga uri ng propaganda device:
    1. Name Calling
    2. Plain folks
    3. Glittering Generalities
    4. Card stacking
    5. Transfer
    6. Bandwagon
    7. Testimonial
  • Name Calling
    • Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin.
    • Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.
    Halimbawa:
    Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
  • Glittering Generalities
    • Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
    Halimbawa:
    Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
  • Transfer
    • Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
    Halimbawa: Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand
  • Testimonial
    • Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto
    Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.
  • Plain Folks
    • Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
    Halimbawa: Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.
  • Card Stacking
    • Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
    Halimbawa:
    Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTL
  • Bandwagon
    • Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
    Halimbawa: Buong bayan ay nag-e-LBC peso padala na.
  • Ethos
    • Paggamit ng kredibilidad o imahe para sa makapanghikayat.
    Hal. Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas.